I Am Filipino August 4: Radyo, Sikat pa rin sa mga Pilipino

0
392

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang radyo ay isinilang noong 1894, nang ang italyanong imbentor na si Guglielmo Marconi ay bumuo ng unang wireless na sistema ng telegrapo.

Dekada nobenta nang magsimula akong mahumaling sa radyo. Dito ko kasi napapakinggan ang mga paborito kong kanta. Sa tuwing makikinig ako sa paborito kong FM Station noon ay narerelaks ako lalo na kapag abala ako sa mga gawaing bahay. High School pa lang kasi ako ay naaasahan na ako sa paglilinis ng bahay, paglalaba at pagluluto. Ang pakikinig ng mga paborito kong kanta sa radyo ang siyang nagiging lakas ko sa bawat gawain na nakaatang sa akin. Panahon pa man ng lola ko ay mahilig na rin silang makinig sa radyo lalo na sa AM kung saan seryoso silang nakikinig ng mga balita at drama sa radyo. Sikat na sikat ito noon. Ang mga natatandaan kong pangalan na nakilala noon sa linyang ito ay sina Kuya Cesar na sumikat dahil sa sobrang kabagalan niyang magsalita, sina Luz Valdez na napakagagaling magboses sa iba’t-ibang mga karakter. Si Tiya Dely at marami pang iba. Nakakaaliw ang kanilang mga programa na palaging inaabangan ng lola at nanay ko.

Sa panahon ko naman ang dahilan ng aking pagkahumaling sa radyo ay ang kasikatan noon ng mga banda sa pangunguna ng Eraserhead, Introvoys, Rivermaya at After Image. Grabe ang tinamo nilang popularidad na wala pang nakakapantay hanggang sa ngayon. Pero ano na nga ba ang lagay ng istasyon ng radyo ngayong net generation na?

Marami pa rin naman ang nakikinig sa radyo. Kasi maging sila ay nasa online na rin. Nakikijoin sa social media. Marami na rin kasi ang paraan ng pakikinig sa radyo tulad ng streaming, podcast, app,tablet at mobile phones. Mas lumawak pa nga ang popularidad nila dahil meron na rin silang followers online at nakikita pa sila ng madlang pipol, hindi tulad ng araw na tanging boses lang ng jockeys ang maririnig at pa-mystery effect talaga kung anong hitsura nila. Boses pa lang ay sapat na para hangaan sila ng kanilang mga listeners. Lalo na ngayon na game na game silang nakikipagsabayan sa social media. Kaya naman masasabi kong sikat pa rin ang mga FM Stations at isa ako sa patuloy na nakikinig sa kanila. Ang nagiging problema lang sa karamihan ng istasyon ngayon ay mas namamayani na ang talk kaysa sa music. Kaya naman mas bet ko ang istasyon na less talk more music gaya ng 96.3 Easy Rock. Kayo, ano ang paborito nyo? Walang duda na sadyang mahal ng mga Pilipino ang musika kaya patuloy nating tinatangkilik ang mga istasyon ng radyo kung saan patuloy din nating naririnig ang mga paboritong kanta natin noon at ngayon.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here