I Am Filipino Aug 26; Perlas ng Sacristia 2018

0
306

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa Pilipinas ay kabi-kabila ang mga ginaganap na mga beauty pageant. Pero hindi lang ang mga kababaihan ang nagrereyna dito kundi maging ang mga kalalakihan din na may pusong babae.Sila ang mga konteserang bakla na ayon pa sa kanilang spoken poetry, ay hindi sila “bakla lang”. Usong-uso ‘yan sa ating bansa. Bukod kasi sa nailalabas ng mga kandidata ang kanilang ganda at talento sa mga ganitong contest ay nakakatulong pa ang premyo nito sa kanilang kabuhayan. Ang pagsali sa mga beauty pageant ay nagsisimula muna sa mga maliitang contest gaya ng sa barangay . Tulad na lang ng naganap na pagpili sa Perlas ng Sacristia na sinalihan ng mga kabataang bading sa nasasakupan ng Barangay Sacristia. Anim ang naglaban laban para sa titulo. Sa umpisa pa lang ay nakakaaliw na ang kanilang pagrampa. Kanya-kanyang kendeng at style para mapansin ng mga manonood at syempre pa ng mga hurado. Hindi lang sila sa pagrampa nagpapansin kundi maging sa pagpapakita ng kanilang mga talento ay nagpasiklaban din sila. May sumayaw, may kumanta at meron ding nag spoken poetry na siyang uso sa mga kabataan ngayon. Bukod sa kanilang mga talento ay inilabas din nila ang nilalaman ng kanilang mga utak sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. At ang wagi sa huli ay si Denise Sarmiento a.k.a. Kylie Padilla sa mga kabadingan. Sa kabuuan ng pageant ay masasabing todo suporta ang mga mamamayan ng Barangay Sacristia. Kasabay pa nito ang ginanap na pista ni San Bartolome na nasasakupan naman ng San Agustin.

Talaga ngang hindi na paaawat ang mga gay sa napili nilang larangan. Dito ay nailalabas nila ang totong sila nang walang pumipigil sa kanila. Malaya nilang naipapahayag ang kanilang damdamin. Mas mabuti na ngang sa ganitong paraan nila ipakilala ang kanilang mga sarili kaysa naman sa mga maling gawa patungo sa maling direksyon ng buhay. Igalang na lang natin sila bilang kapwa natin tao na may sariling isip at damdamin. Iyan tayong mga Pilipino. Marunong rumespeto anuman ang kasarian ng ating kapwa.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here