I Am Filipino Aug.22: MNHS Alumni Sports Fest 2018

0
460

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Ang Malabon National High School ang kauna-unahang paaralang sekondarya sa buong Malabon at ito rin ang may pinakamaraming bilang ng mga estudyante. Kaya naman hindi kataka-taka kung magkaroon ito ng alumni sports fest na sinimulan noong May 2012 sa pamumuno ng Alumni President na si Mr. Ramces. Layunin ng sports fest na muling pagsamahin ang mga dating mag-aaral ng MNHS at pasiglahin ang sport sa nasabing paaralan. Isang basketball player mula sa batch 90 ang nakapanayam ko tungkol sa pagbubukas ng sports fest at siya ay si Mr. Rhey Magat. Excited siya sa pagbubukas ng alumni sports fest ngayong taon dahil muli na naman silang magkakasama-samang dating magkakaeskwela at magkakaibigan. Hinihimok ni Mr.Magat ang mga kabataan na sumali sa sports at suportahan din ang alumni sports fest dahil malaki ang naitutulong nito sa pagpapaunlad ng kanilang paaralan . Sa pamamagitan ng alumni sports fest ay natutulungan nila ang kanilang alma matter na makapagpatayo pa ng mga bagong building . Bukod dito ay maganda at kapaki-pakinabang  itong aktibidad hindi lamang sa pangkalahatan kundi sa pansarili rin. Mabuti sa kalusugan at pangangatawan ang anumang uri ng sports lalo na ang basketball ayon pa kay Mr. Magat.

Sa unang araw ng sportsfest ay nagpalabunutan kung anong batch ang unang maglalaro para sa basketball at volleyball. Masaya ang bawat team. Bakas sa kanilang mga mukha ang excitement. Buo rin ang suportang ibinibigay sa kanila ng kanilang mga ka-batch kahit pa hindi kasali ang mga ito sa laro, naroon sila at nagchecheer para sa kani-kanilang team. Magandang tingnan ang iba’t-ibang kulay at disenyo ng kanilang mga uniform. Nagpapatunay lang ito kung gaano kasigla ang sportsfest ngayong taon. Sa mga susunod na linggo ay tiyak na aabangan ang mga mananalo sa laban.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa sports. Isa ito sa mga larangan kung saan nagkakaisa tayog mga Pilipino. Mapa volleyball man, basketball, boxing, at iba pang mga kawili-wiling laro.

SHARE
Previous article7 Ways Para Pa-Ibigin Ulit Siya
Next articleDYI lucky charms
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here