I Am Filipino Aug 21: Volleyball player, Deseree Javier

0
99

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Tunghayan ang I Am Filipino Aug 21.

Mahilig ka ba sa sports? Anong laro naman ang hilig mo? Sa totoo lang ay minsan ko na ring naranasan ang makapaglaro ng volleyball. Pero natamaan ako ng bola at medyo hindi maganda ang pagkakatama sa akin kaya hindi ko na inulit. Gayunpaman, hinahangaan ko talaga ang magagaling magvolleyball. Nakakaaliw silang panoorin at nakakatense din pag nagkakadikit ang score ng magkalabang team.

Pero alam nyo ba ang history ng volleyball? Ang larong ito ay naimbento ni William G. Morgan at una niyang tinawag na Mintonette. February 9, 1895 nang una itong laruin sa Holyoke Massachusetts sa YMCA. Samantalang si Professor Halsted ang nagsuggest na ito ay pangalanan na volleyball. Sinang-ayunan naman ito ni Morgan.Ilan sa magagaling na players ng volleyball (international) sina Karch, Giba, Lang Ping at Alejandrina Mireya Luis Hernandez. Sa Pilipinas ay sina Alyssa Valdez, Victonara Galang, Rachelle Ann Daquis, Aleona Denisse Santiago at Aiza Maizo. Ilan lang sila sa mga pinakamagagaling nating manlalaro sa volleyball.

Kahapon, araw ng linggo ay nagbukas naman ang sports fest ng Malabon National High School para sa mga alumni ng nasabing paaralan at nagkaroon ako ng pagkakataon na interbyuhin ang isa mga volleyball player ng batch 1990 na si Miss Deseree Javier. Ilang katanungan ang sinagot niya tungkol sa sports fest. Para sa kanya, isa itong magandang oportunidad para sa muling pagkikita at pagsasama sama nilang mga dating magkakaeskwela. Sa paaralan kung saan nila sinimulan ang kanilang pagkakaibigan ay muling nanariwa sa kanya ang magagandang alaala. Kaya masaya siya ngayon na bukod sa pagkikita-kitang ito ay nalalaro pa niya ang paborito niyang laro, ang volleyball. Ito na ang laro niya mula pa man noong araw. Para kay Deseree, maganda ang nagagawa ng pagba-volleyball sa kanyang kalusugan at pangangatawan. Nagbigay rin siya ng payo para sa mga kabataan at mag-aaral ng Malabon National High School na sa halip mga gadgets tulad ng computer at cellphone ang pagkaabalahan ay subukan na lang ang mga laro gaya ng volleyball dahil mas higit itong kapaki-pakinabang.

Salamat sa pagbasa sa I Am Filipino Aug 21

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here