I Am Filipino: Ang Makaluma at Makabagong Jeepney

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang jeepney o jeeps (dyips) ay sasakyang pangtransportasyon nating mga Pilipino. Ito ang pinakapopular na sasakyan dito sa Pilipinas. Ito ay nabuo mula sa mga naiwang U.S. military jeeps noong world war II. Kung jeep din lang ang pag-uusapan siguradong mababanggit ang Sarao. Si Mr. Leonardo Salvador Sarao Sr. ang nagtatag ng Sarao motors , isang kumpanyang nakilala sa pagbubuo, pagdedesign at pagbebenta ng mga jeepneys. Noong 1964 sa New York World’s Fair ay inexhibit sa Philippine Pavillion ang Sarao Jeepney bilang pambansang imahe ng mga Pilipino. Sa ngayon ay marami ng iba’t-ibang sasakyan ang bumibiyahe sa kalsada, may tricycle, pedicab, kotse, taxi, FX, LRT, MRT at kung anu-ano pa, subalit hindi pa rin natitinag sa kanyang kasikatan ang jeepney. Nananatili itong popular sa masang Pilipino. Lalo pa at naipapakita din dito ang pagiging malikhain nating mga pinoy dahil sa iba’t-ibang disenyong inilalagay natin sa sasakyang ito.

Sa katunayan ay mayroong mga modernong jeeps ang inilunsad ng The Department of Transportations (DOTr) noong July 20, 2018, nito lang Biyernes. Ito ay ang karagdagang 150 units ng modernong jeepney o tinatawag ding modern public utility jeepney (PUJ). Nauna nang naglunsad ng fifty na jeeps bilang bahagi ng administration’s jeepney modernization program. Ang modernong sasakyan na ito ay maaaring maglaman ng siyang hanggang bente dos na katao. May wifi, cctv, GPS, dash cam, speed limiter at isang awtomatikong sistema ng pangongolekta ng bayad. Kung ikaw ay isang pasahero, siguradong maiibigan mo ang sumakay sa modernong sasakyan na ito. Pero bilang isang Pilipino, tiyak na hahanap hanapin mo pa rin ang nakasanayan mong jeep na naglalaman ng labing anim hanggang labing walong katao. Yung magpapaabot ka ng bayad sa katabi o sa’yo magpapaabot. Yung makikipagsiksikan ka sa katabi mo makaupo ka lang ng maayos. Yung may makikita kang mga nakasabit dahil puno na ang loob. Yung may mapapasandal pa sa balikat mo dahil nakatulog dala marahil ng puyat at pagod sa trabaho. Yung sisigaw ka ng “para!” at hihinto ang sasakyan dahil nakarating ka na sa destinasyon mo. Iyan ang mga eksena sa jeep na nakasanayan na nating mga Pilipino.

Gayunpaman, hindi naman natin maikakaila ang magandang pangako ng pagbabagong hatid ng bagong jeepney. Ang moderno nitong sistema ay isang tanda ng pag-unlad. Ito na nga kaya ang senyales na patungo na tayo sa pag-unlad o isang pagbabago lang mula sa sistemang makaluma at nakasanayan? Sa kabila nito, tayong mga Pilipino ay mahilig yumakap sa pagbabago subalit hindi nakakalimot sa mga orihinal na pinagmulan at nakagawian. Dahil tayo ay mga sentimental at mapagmahal sa mga bagay na ating kinamulatan.

More I Am Filipino

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

 

SHARE
Previous articlePALMISTRY 185:Mapalad ang naghihirap
Next articleOnline Horoscope Hulyo 25 2018
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here