I Am Filipino: Ang Hilig ng mga Pinoy sa Pasalubong

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hindi maikakaila kung gaano kahilig tayong mga Pilipino sa pasalubong. Ang magbigay ng pasalubong at tumanggap nito ay bahagi na ng ating tradisyon. Basta’t nagpunta ang isang kamag-anak o kaibigan natin sa isang lugar lalo na at ito ay malayo, umaasa tayo ng pasalubong mula sa kanila. Natural na ‘yon. Ganoon din naman kung tayo ang dadayo sa malayo, sa ating pag-uwi ay hindi maaaring hindi natin maiisip na mamili ng mga pasalubong para sa ating mga mahal sa buhay. Pinipili natin yung mga bagay na alam nating magugustuhan nila. Kadalasan ay pagkain ang ating binibili. Yung mga pagkain na kilala sa lugar na pinuntahan natin. Tulad halimbawa ng buko pie sa Laguna, laing sa Bicol, Pansit Malabon sa Malabon, strawberry jam sa Baguio, inipit at ensaymada ng Bulacan at marami pang iba. Bawat lugar ay may kanya-kanyang ipinagmamalaking produkto kaya hindi tayo mauubusan ng pasalubong na pagpipilian. Hindi lang mga pagkain kundi mga bagay din tulad ng bag, damit, sapatos na ipinagmamalaki ng isang bayan. Tulad ng sapatos sa Liliw  at Marikina, balisong sa Batangas, mga nililok sa Paete, at iba pa. Hindi talaga matatawaran ang mga produktong likha sa ating bayan. Mga produkto na gustong-gusto rin ipasalubong maging ng mga dayuhan pabalik sa kanilang bansa.

May mga pagkakataon pa na nagtatampo tayo kapag hindi tayo nakakatanggap ng pasalubong. Pero mas importante pa rin na makarating at makauwi ng maayos ang ating mahal sa buhay kaysa sa dala nilang pasalubong. Likas lang talaga sa atin ang magbigay at bigyan. Iba kasi sa pakiramdam kung ang gusto mong gamit o pagkain ay mula sa pasalubong sa’yo kaysa ikaw mismo ang bumili. Nararamdaman mo ang importansya. Yung isipin na maalala ka niya sa kanyang byahe ay nakakagaan na ng pakiramdam. Vise versa dahil ang gaan din sa feelings na ikaw naman yung makakaalala sa pamilya mo at kaibigan at ikaw naman yung mamimili ng pasalubong para sa kanila. Kaya sa pagdating mo ay hindi lang pasalubong ang dala mo kundi maging ang maganda mong ngiti mula sa masaya mong paglalakbay. Iyan ang tatak nating mga Pilipino.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here