HyunA – The Queen of South Korea

0
263
PhilippineOne biography of K-Pop superstar, Hyuna

Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio:https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

Latest posts by Kristina Yambao (see all)

 

 

Si Kim Hyun-ah, mas kilala sa kanyang stage name na Hyuna ay isang South Korean na mang aawit, mananayaw, taga sulat ng kanta at modelo. Siya ay isinilang noong Hunyo 2, 1992 sa Eunpyeong District, South Korea. Pumatigbabaw ang kanyang pangalan sa industriya ng KPop noong 2002 noong siya ay naging bahagi ng grupo’ng Wonder Girls. Hindi nagtagal ang kanyang pagsali sa grupo’ng Wonder Girls at nagtapos ito noong 2007. Noong 2009, siya ay naging bahagi ng grupo’ng 4Minute. Kalaunan, si Hyuna ay nakapagdesisyon na kumanta at umakto’ng mag isa at sinimulan niya ito noong 2010. Ang kanyang akto ay kanyang tinatawag na performance-oriented music. Noong kanyang pinalabas ang kanyang unang album bilang solo na mang aawit, nasadlak sa Top 2 ito sa Gaon Digital Chart. Dito na nagsimula ang pagsikat niya at pagkakakilala sa kanya sa industriya ng KPop. Umani siya ng respeto at higit sa lahat, dumami ang kanyang mga tagahanga.

Pinalabas ni Hyuna ang kanyang pinakaunang extended play na pinamagata’ng Bubble Pop! noong 2011 at kahit na sinasabi ng iba na ito ay hindi masyadong bumenta, hindi maipagkakaila ng industriya ng KPop na ito ay bumenta ng ‘di mahigit kumulang 2.5 million na kopya.

  • PhilippineOne bio on Korean superstar, Hyuna

Si Hyuna ang pinakaunang KPop na mang aawit na umabot sa 1 milyon ang nanood sa kanyang YouTube video. Ito din ang nagbukas ng daan na siya ay makuha para lumabas sa Gangnam Style ni Psy noong 2012. Dito mas lalong namayagpag ang pangalan ni Hyuna at humigit pa noong nakamit niya ang Top 1 sa Gaon Digital Chart sa kanyang Ice Cream na kanta.   

 

Noong 2016, nagkahiwa-hiwalay ang miyembro ng grupo’ng 4Minute na itinaon ni Hyuna sa araw ng paglabas ng kanyang ikalimang EP na pinamagata’ng A’wesome. Nito’ng mga tao’ng ito din nagsimula ng maglibot si Hyuna sa Estados Unidos para mag perform ng kanyang concert tour. Ang kanyang pinaka latest na akto ay ang kanyang pagsabay sa Tripe H na naging daan para lumabas ang EP 199X noong 2017.

Other Bios

K-Pop

Babae sa KPop na Hubadera

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here