HUWAG SASABIHIN ANG MGA KATAGANG ITO SA IYONG ANAK UPANG HINDI SIYA LUMAKING FAILURE SA BUHAY

531

Hindi man lahat, ngunit marami pa ring magulang ang naghahangad na mapabuti ang kanilang anak.

        Ngunit, may ilang parenting style na nakapagdudulot pala ng trauma sa mga bata na nadadala nila hanggang sa kanilang paglaki. May derekta itong impluwensiya sa kanilang pag-iisip at pakikitungo sa kapuwa.

        Narito ang ilang mga katagang hindi mo dapat sasabihin sa iyong anak.

1.   “Sige, iiwan kita dito!”. Kadalasan itong nasasabi kapag nagiging makulit ang isang bata. Lingid sa kaalaman, ang ganitong kataga ay nagdudulot ng takot at kawalang tiwala sa sarili ng isang bata. Sa kaniyang paglaki, hindi siya makakapagdesisyon sa kaniyang sarili dahil nandoon ang takot na siya ay mabigo.

2.   “Huwag kang umiyak!”. Ito ang unang reaksiyon ng isang magulang kapag ayaw tumahan ang anak. Ngunit, ito ay sanhi upang hindi matuto ang isang bata na i-express ang kaniyang totoong nararamdaman. Madadala niya ang ugaling ito hanggang sa kaniyang paglaki. Sa halip na utusan ang bata na huwag umiyak, tanungin siya kung ano ang rason ng kaniyang pag-iyak at ito ang iyong ipaliwanag sa kaniya. Matututuhan niya mula rito ang kahalagahan ng pagtingin sa ugat ng problema at wastong pagtatama nito.

3.   “Mag-sorry ka!”. Walang masama na turuan ang isang bata na umamin sa kaniyang kamalian. Ngunit, ang pag-obliga sa kaniya na gawin ito kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban ay magtuturo sa kaniya na ayos lang magbalat-kayo. Hindi siya matututong magpatawad ng taos sa puso. Sa halip na utusan siyang mag-sorry, ipa-analyze sa kaniya ang mga kamalian niyang nagawa hanggang sa siya na mismo ang magkusang humingi ng tawad sa taong nagawan niya ng mali.

3 COMMENTS

  1. hi po isa po ako sa avid fan mo💜. gusto ko lang po magrequest na sna maipost mo ung aral sa wiccan at kung ano sangay nito at pagkakaiba iba sa aral baka sakali maenlightend ang ibang nagbabasa. natutuwa po ako sa lahat ng sineshare nyo kaya nkakarelate ako. parang nkkta ko sarili ko sainyo sa pagiging open mindd nyo. isa ka sa pinapangarap ko n maging mentor ko kasi ang galing mo mangaral po at magpaliwanag ng binabahagi mong aral.ung iba kasi akala nila pagwiccan masama na keso may ritual daw at sacrifices at ang dyos daw nito kalikasan daw d gaya pagdrekta daw kay HESUS. mangkukulam n masama na nag dating nila. sna maisa isa mo po kung ano nilalaman ng wicca at ano ang layunin nito. thank u so much po.paki hide nlng po ng identity ko as daisy na name.pls mmwuahugs!

    • philippineone01

      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa delay. mahirapan kami na sagutin ang ang inyong mga kumento dahil sa napakaraming articles, kaya naman gumawa kami ng forum kung saan ang inyong mga katanungan ay bibigyang kasagutan. Ang ating forum ay nakikita dito https://filipinaproud.com tinitiyak namin sa inyo na lahat ng inyong katanungan ay masasagot ng mas mabilis. Kung kayo po ay may problema sa pag sign in dito i message lamang ninyo kami upang kayo ay aming matulungan. Salamat po

      Registration Instructions:
      • Go to https://filipinaproud.com
      • Click on Join (top bar)
      • Add User Name (one word or name or two words combined, example: MissJenn)
      • Add Name and Password and confirm password. Mobile not necessary
      • Select Register and you will be redirected to your profile page.
      To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page.
      Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button). Add title and then add your question in comment box. View other requests for examples
      One of our experts will answer as soon as possible

  2. Sir. Rey De Leon ask ko lang po. Kung yayaman po ba ako, sa hinaharap Isa po akung utilitty sa company na pinapasukan ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here