Huwag mong tratuhing prinsesa ang iyong girlfriend

60
SONY DSC

Guys, huwag ninyong tratuhing prinsesa ang iyong girlfriend, kung ayaw mong humagulgol lang sa huli.

Para sa mga babae, nakakakilig naman talaga na tinatrato kang prinsesa ng mahal mo. Biro mo, lahat ng gusto niya ay ibinibigay mo. Napakadali lang naman sa lalaki na tratuhing prinsesa ang kanyang girlfriend kung mayroon siyang pera para ibigay ang bawat magustuhan ng babaeng iniibig. Ang tanong nga lang, lagi ka ba talagang may pera?

Kung ipinanganak kang mayaman, oo ang isasagot mo. Pero, paano kung isang araw ay bigla ka na lang maghirap. Paano kung ang negosyo ninyo ay magkalugi-lugi o kung ikaw naman ang may sariling negosyo, paano na lang kung bigla ‘yang bumagsak. Sa palagay mo ba ay mamahalin ka pa rin ng girlfriend mo.

Ang suwerte mo kung sa kabila ng pagdaraanan mo ay hindi ka iiwan ng girlfriend mo, siyempre, ang nasa kanyang utak ay ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya. Pero, paano kung ang babaeng minahal mo ay minahal ka lang dahil sa mga naibibigay mo sa kanya? Tsk, kawawa ka naman kung iiwanan ka niya at ipagpapalit sa mapera dahil hindi na niya kayang mabuhay na walang luho.

Kaya, kung gugustuhin mong maging forever ang samahan ninyo ang girlfriend mo, huwag mo siyang tratuhin na parang prinsesa. Ituring mo siya bilang kabiyak ng iyong puso. Iyong magkakasundo kayo sa maraming bagay at di mag-iiwanan dahil lang sa maliliit na problema.

O, sana naman ay na-gets mo itong sinasabi ko para hindi ka lumuha sa huli.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here