HUWAG MONG KATAYIN ANG ASO KO!

1
909

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Ang mga larawan ay hindi kaaya-ayang pagmasdan

ANG mga aso ang tinaguriang man’s bestfriend kaya hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong sarap na sarap sa pagkain ng aso. Ibig bang sabihin noon, wala silang pakialam sa kanilang kapwa?

Kung ikaw ay mayroong matalik na kaibigan, gugustuhin mo ba siyang masaktan? Kung tunay kang kaibigan, siyempre, hindi mo gugustuhin na mangyari iyon. Ngunit, siyempre, kung sasabihin mong hindi mo naman matalik na kaibigan ang kapit-bahay mo, tiyak na tatargetin mo pa rin ang kanyang aso para may maipampulutan ka pati na rin ang iyong mga kaibigan.

Asocena ang tawag sa karne ng aso. Ito ang karaniwang ipinupulutan ng mga lasenggero. Para sa kanila, ang karne ng aso ay napakasarap papakin habang umiinom sila ng alak o beer. Bagamat noon pang 1998 via Republic Act No. 8485 o , isinabatas ang pagbabawal sa pagkatay ng aso. Siyempre, dahil nga sa bawal ang pag-a-asocena, hindi na maaari iyong makikita ka sa kalsada na naghahabol ng aso tapos ay pupukpukin mo at isisilid sa sako para tuluyang patayin. Ngunit, mayroon pa ring mga pasaway na kumakatay at nagbebenta pa rin ng karne ng aso.

Kaya kung hindi natin maaawat ang mga taong mahilig sa asocena at mayroon HUWAG MONG KATAYIN ANG ASO KO!kang alagang aso, kailangan siguro  ay gawin mo ang responsibilidad mo bilang amo na protektahan ang iyong alaga. Magagawa mo siyempre ito kung hindi mo hahayaan ang aso mo na lumabas sa iyong bakuran. Kung makakalabas kasi sila ay maaari siyang matiyempuhan ni Manong na mahilig sa aso.

Hindi mo naman siyempre, magagawang ituon sa kanila palagi ang anak mo lalo na’t mayroon kang trabaho o gawain kaya kung aalis ka ng bahay, siguraduhin mong naka-lock talaga ang inyong gate para hindi magkaroon ng pagkakataon si Manong na gawan ng kasamaan ang iyong alaga.

Kung ang aso mo naman ay maliliit tulad ng poodle, mas kailangan mo silang pangalagaan. Hindi lamang dahil sa maaari rin silang makatay at ibenta. Kahit pa makatagpo sila ng panibagong amo, iba pa rin ang pag-aalaga mo. Siyempre, minahal mo silang talaga kaya hindi mo sila sasaktan anuman ang mga kasalanang magawa nila.

Mayroon nga riyan na hindi nga kinakatay o pinapatay ang mga asong alaga nila ngunit ginagawa namang punching bag. Kinakawawa ang aso. Naroroong hindi pakakainin o paiinumin tapos kapag nakagat ang kanilang amo, sasabihin ay nauulol na. Hay naku, ang mga ganitong tao ay hindi dapat magkaroon ng alaga dahil magiging kawawa lang sa kanila. Kaya, masasabi ko talagang napakasuwerte ang mga mga asong nabibiyayaan ng among mapagmahal sa aso.

Ako, masasabi kong napakasuwerte ng alaga kong si Zacky dahil mahal na mahal ko siya.  Walang makapagsasabi na siya ay ginugutom ko dahil napakalusog niya. May sarili pa siyang meal. Paborito niya ang potted meat at marsmallow. Tapos kahit na mayroon kaming terrace, hindi siya doon natutulog kundi sa kama. Katabi ko na siya, naagawan pa ako ng minsan. Kung minsan choosy pa, ayaw magpayakap at naninipa.

Kaya, kung ikaw ay nagta-target ng aso, huwag na huwag kang magkakamaling ilagay sa listahan mong aasocenahin si Zacky ko dahil, humanda ka sa akin. Si Zacky ay hindi lang alaga para sa akin kundi itinuturing ko ‘yang bunsong anak.

Tiyak ko rin naman na hindi lang ako ang amo na gustong protektahan ang kanilang mga alaga laban sa mga mamamatay aso. Kaya, hangad ko na bigyan ng matinding parusa ang mga taong walang awa sa mga hayop.  Hindi lang iyong kumakatay kundi iyong mga nananakit ng hayop. Sila nga ang dapat sisihin kung sakaling nangangagat kanilang alagang aso.

Sa pag-aalaga ko ng aso, natiyak ko na hindi naman magiging mabangis ang iyong alaga kundi siya sinasaktan. Siyempre, nagiging mabangis lamang sila dahil ibig nilang maprotektahan ang kanilang sarili. Kaya kung alam naman nilang wala kng gagawin sa kanila kundi sila ay yakapin at halikan, hindi sila mangangagat. Tiyak pang puprotektahan ka nila ng husto kapag may taong nagtangkang manakit sa’yo. Siyempre, bilang bestfriend, hindi hahayaan ng aso mo na saktan ka.

O, anong gagawin mo kung makakita ka ng asong sinasaktan o pinagtatangkaang patayin?

 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here