Huwag Mo Hayaang Umikot Ang Iyong Mundo Sa Iisang Tao

180

Kung inaakala mo na nakakakilig ito sa partner mo kapag hinayaan mong umikot lang sa kanya ang iyong mundo ay nagkakamali ka. Nakakasakal, ito sa kanya dahil kapag hinayaan mong umikot lang sa kanya ang iyong mundo, lahat  ng atensyon mo ay nakatutok lang din sa kanya at di iyon maganda dahil kahit mag-partner kayo, magkaiba pa rin ang inyong buhay. 

Kapag hindi mo itinigil ang pagsunod sa bawat kilos ng iyong partner, malamang, ang relasyon ninyo ang biglang tumigil. Hindi ‘yan imposibleng mangyari  dahil kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao ay mapupuno ‘yan kapag napahiya na. At kapag nangyari iyon ay magagalit na rin siya sa’yo at maiisipan ka na niyang hiwalayan.

See the source image

Saka, ikaw din ang higit na mahihirapan kung pipiliin mong umikot ang mundo mo sa iisang tao. Masasaktan ka ng husto kapag nagkahiwalay kayo. Matagal ka pang makakapag-move on niyan. Ang maiging gawin mo, mas mahalin mo ang iyong sarili. Mangyayari iyan kapag hinayaan mong magkaroon kayo ng kanya-kanyang buhay.

Kahit kasi nagmamahalan kayo may gusto a rin siyang gawin na hindi ka kasama at tiyak na ganoon ka din. Kaya, magkaroon ka rin ng pangarap sa sarili mo. Huwag mong ibuhos lang sa isang tao ang iyong oras at lakas. Gumawa ka ng mas kapaki-pakinabang na buhay para sa’yong sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here