Huwag Magreregalo ng Panyo sa Minamahal

May mga pagkakataon na hindi ka dapat magpabigla-bigla sa pagreregalo sa’yong minamahal. Kailangan siympreng pag-isipan mo kung magugustuhan niya dahil masarap sa pakiramdam na nagawa mo siyang mapaligaya sa regalong ibinigay mo, ngunit, may pagkakataon naman na iniisip mo kung ano nga ba ang kanyang pakikinabangan.

Kung talagang nagtitipid ka sa pagreregalo, bakit hindi mo na lang siya bigyan ng card na ginawa mo? Mas maa-appreciate niya iyon lalo na kung sasamahan mo ng love letter  Baka nga mas lalo pa siyang ma-in love sa’yo kapag ganoon ang iyong ginawa. Kung type mo pa ring bilhan siya ng something na paborito niya at swak lang sa budget mo ay okay lang, basta huwag kang magreregalo ng panyo.

Ang panyo kasi ay madalas na gamitin na pampunas ng luha. Ibig sabihin nito, magkakaroon ng bad luck sa inyong relasyon. Malaki ang posibilidad na maghiwalay lang kayo. Kaya, kahit pa gaano ninyo kamahal ang isa’t isa ay hindi  magkakaroon ng happy ending ang inyong pagmamahalan.

Kung hindi mo paniniwalaan ito, bahala ka. Sana lang ay sundin mo ang sinasabi kong huwag kang magrergalo ng anyo kung ayaw mong mabiyak ang iyong puso. Alalahanin mo ay laging nasa huli ang pagsisisi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here