Huwag Mag-Reply Kung Ikaw Ay Galit

Hindi naman masama kung makaramdam ka ng galt sa karelasyon mo kapag may nagawa siyang mali. Natural lang na sumama ang loob mo kapag may nagawa siyang pagkukulang o pagkakasala. Kaya nga lang, kapag galit ka ay huwag mo naman siyang aawayin sa text o chat tapos magsasabi ka pa ng masasakit na salita.

Sa pagsasaliksik kasi ay mas malaki ang epekto noon kaysa ‘yung mag-aaway lang kayo ng harapan. Mas maigi na iyong nailalabas ninyo ang sama ng loob ninyo sa isa’t isa ng harapan kaysa naman ‘yung may iba pang nakakaalam. Paano kung may kasama ang karelasyon mo noon at hindi sinasadya na nabasa o ipinabasa niya, di napahiya pa siya. Kapag ganoon ang nangyari kahit hindi ka niya awayin ng harapan ay makapagtatanim siya ng galit sa’yo.

Saka pirmi mong tatandaan ang mga salitang pen is mightier than sword. Ibig sabihin nito ay masasaktan siya ng paulit-ulit kung babasahn din niya ng paulit-ulit ang tin-text o na-chat mo sa kanya. Baka isang araw ay magulat ka na lang na nakikipagkalas na siya sa’yo. Kahit na kasal kayo, maaari niyang gawin iyon kapag napagtanto niya na wala ka namang tiwala at paggalang sa kanya.

Kaya, kung galit ka ngayon, huwag ka na lang munang kumibo. Huwag na huwag mo siyang iti-text o i-chat kapag mataas ang emosyon mo dahil marami kang masasabi na masasakit tapos kapag nawala na ang sakit na nararamdaman mo ay mapagtatanto mo rin ang masasamang salitang binitawan mo. At may mga pagkakataon na ang sorry ay nawawalan ng silbi kung masyado ka ng nakapanakit.

O, sana naman ay mag-ingat ka sa mga salitang bibitawan mo, okay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here