Huwag Iiwan si Misis sa Gabi

Ang pagmamahal at tiwala ay magagawa mong ibigay sa taong karapat-dapat. Kung dama mong walang ibang minamahal ang iyong asawa o kasintahan, lubos mo siyang pinagkakatiwalaan. Kaya lang may pagkakataon na kahit na karapat-dapat ang iyong mahal kung may ibang tao naman ang mayroong masamang motibo para sirain ang inyong pagsasama, magtatagumpay ka.

Kung isa kang lalaki, dapat lang na protektahan mo ang iyong mahal. Hindi mo siya dapat hinahayaan lang na mag-isa Dahil kung masyadong maganda ang babaeng mahal mo, baka hindi lang tao ang maging karibal mo. May mga nilalang sa dilim na maaaring magkagusto sa asawa mo at dahil sa may kapangyarihan sila ay maaari silang magpalit ng anyo at maging kamuha mo.

Kaag ganoon ang nangyari ay may posibilidad na akalain din ng asawa mo ikaw ang kanyang kasama lalo na kung nasa madilim naman sila. Kaya nga, dapat din ay laging nakabukas ang ilaw para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang nilalang na pasukin at manira ng buhay at pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan.

Ngunit, alam mo ba, malalaman n’yo lang na mayroong engkanto na pumagitna sa inyong pagsasama kung ang magiging anak mo ay walang kanal sa pagitan ng kanyang ilong at labi? Ang tanong, hihintayin mo pa bang mangyari ito o gagawin mo ang responsibilidad mo bilang asawa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here