Humorscope May 16

0
133

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

ARIES

Super fun ang araw na ito para sa’yo dahil masosorpresa ka sa pagdating ng mga hindi inaasahang bisita. Pero masosorpresa din sila sa’yo dahil pagdating nila ay nakatapis ka ng tuwalya. Lalaki ka at hindi babae. Yun ang akala nila. Okay lang ‘yan besh, iladlad mo na ang katotohanan.

TAURUS

          Wala kang balak gawin maghapon kundi maghintay sa dyowa mo. May usapan kasi kayo na magkikita. Ang di mo alam, maghapon din siyang tutunganga at maghihintay sa’yo. Teka, pinag-usapan n’yo ba kung saan kayo magkikita? Sa place niya o sa place mo? Tawagan mo na hangga’t maaga besh bago pa man kayo mapanis pareho.

GEMINI

          Araw-araw kang doble kayod sa trabaho pero hindi mo pa rin nakukuha ang gusto mo.Kaya ngayong araw ay pipiliin mong magkuyakoy na lang muna sa bahay. Ang kaso daig mo pa ang may 3 trabaho sa kaliwa’t kanang utos ng mudrakels mo. Okay lang ‘yan besh, pagwala ka solo lahat ni mudra ang gawaing bahay pati pagbabalot ng baon mo.

CANCER

          Hindi ka mahilig sa outing at hindi rin naman daw makakasama ang office crush mo kaya instead na sumama sa company swimming ay mag-oovertime ka na lang at tatapusin ang mga nakabinbing trabaho. Sad lang besh dahil si crush ay hahabol pala sa swimming at mag-eenjoy siya kasama ang mga officemates nyo. Haist, tapusin mo na lang ang trabaho mo kasi no choice ka na kundi manghinayang.

LEO

          Para makalimutan ang problema ay isusubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Sa sobrang subsob mo ay hindi mo mamamalayan na haggard ka na pala at hindi mo na naaasikaso ang sarili mo. Tingin-tingin din sa salamin pag may time dahil ang hindi magandang itsura, ang lakas makapangit ng aura.

VIRGO

          Never pang pumalpak ang mga plano mo, pero ngayong araw na’to huwag kang pakasiguro. Dahil ang plano ng iba ay sasalungat sa plano mo at mukhang sila ang susuwertehin ngayong araw na’to. Okay lang yan besh, magplano ka na lang ulit bukas.

 

LIBRA

          Mapapakanta ka sa tuwa dahil sa magandang balitang matatanggap mo. May kinalaman ito sa trabaho na naaprubahan ng boss mo. Kaso nga lang, kakailanganin mo pang maghintay ng ilang buwan bago ito ma-release dahil may mga nauna pa pala sa proposal mo. Pero sasaya ka pa rin naman bago matapos ang araw dahil ang mas magandang proposal ay mangyayari ngayong gabi mula naman sa boss ng puso mo.

SCORPIO

          Expected mo na ang mahabang traffic na kakaharapin mo kaya ngayong araw ay gagawin mo ang lahat para di ka ma-bored sa pagko-commute mo. Headset at food ang sagot sa problema mo. Kaya lang mukhang hindi maganda sa tiyan ang makakain mo dahil kukulo ito at maghahanap ka ng banyo.

SAGITTARIUS

          Tatamarin ka ngayong araw na pumasok sa trabaho. Alam mo kasi na ngayon na ang pagdating ng boss mo kaya tapos na ang maliligaya at maluwag na araw n’yo . Pipiliin mong mag-gym na lang at magpaganda ng katawan. Pero manghihinayang ka sa mababalitaan mo mula sa kasamahan, lahat daw ng present ay may pasalubong mula sa boss mo. At ang pasalubong ay isa sa mga paborito mo. Ganyan talaga ang buhay.

CAPRICORN

          Akala mo ay magiging boring ang araw mo dahil lahat ng kaibigan mo ay may pinagkakaabalahan at wala kang maaya sa balak mong pagpunta sa mall. Pero sa bandang hapon ay matutuwa ka dahil sila mismo ang tatawag sa’yo para ayain ka. Hindi nga lang sa mall, kundi sa park na ayaw na ayaw mo pa namang puntahan dahil may bad memories kayo doon ng dyowa mo. Doon kayo nagbreak. Kung ako sa’yo, kalimutan mo na lang at i-enjoy mo ang araw kasama ang mga kaibigan mo.

AQUARIUS

          May matatanggap kang sulat na hindi mo inaasahan dahil para sa’yo hindi na ito uso. Pero ikatutuwa mo naman ang nilalaman dahil mula ito sa dati mong kaibigan. Iniimbitahan ka niyang dumalo sa kanyang kasal. Naubusan daw kasi ng invitation at hindi niya alam ang FB account mo. All smile ka na sana dahil masusuot mo na ang dress na binili mo 5 months ago. Pero mapapawi ang ngiti mo dahil ang kanyang groom ay ang long time crush mo. Move on ka na lang besh at maki-join sa kanilang wedding ceremony.

PISCES

          Ito ang araw na magiging masaya ka mula umaga hanggang gabi.Smooth sailing lang kasi ang buong araw mula sa bahay hanggang sa trabaho at mula sa trabaho hanggang pag-uwi ng bahay. Kaya naman hihilingin mo na sana ganito na lang ang araw-araw mo. Makakalimutan mo ang mga problema kaya naman ang frenemy mong may lihim na inggit sa’yo ay magkukukot ang loob dahil ayaw ka niyang makitang masaya.

SHARE
Previous articlePahula 90: Alamin ang mga pampasuwerte
Next articleKapangyarihan Tarot May 16
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here