Humorscope April 23: Ang Nakakaaliw mong Kapalaran ngayong Lunes

0
647

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa Humorscope April 23 ay siguradong maaaliw ka sa naghihintay na kapalaran para sayo ngayong araw ng lunes. Pampatanggal stress mga beshies kaya basa na.

Daga (Rat)– Hahabulin mo ang iyong ex para bawiin ang mga ibinigay mo sa kanya dahil kagabi lang ay nakipagbreak siya sa’yo, ang kaso babawian ka rin niya. Kaya lang, paano mo maibabalik sa kanya ang ibinigay niya sa’yo kung iyon ay ang wig na buhok mo? Ano, bawi o buhok?

Baka (Ox)- Baka naman gusto mong baguhin ang style mo tuwing lunes, kasi lagi ka na lang late lunes pa naman! Kung hindi mo babaguhin ang nakasanayan mong ito, baka kapalaran mo ang magbago at sa halip na meron kang trabaho ay maging tambay na lang sa kanto.

Tigre (Tiger)– Nag-aala tigre ka sa manliligaw mo araw-araw besh kahit hindi ka naman kagandahan. Pero ngayong araw ay mag-iiba ang ihip ng hangin at iyo siyang aamuin. Kasi may kailangan ka sa kanya. Kailangan mo ng mauutangan. Utang na loob, magbayad ka ha,sige ka baka ikaw naman ang sakmalin niya!

Kuneho (Rabbit)– Huwag magpatumpik tumpik sa pagdedesisyon. Minsan lang kakatok ang magandang pagkakataon. Huwag sasayangin kung ayaw mong malasin, lunes pa naman ngayon, pagminalas buong linggo mo na itong mararanas. Kaya sige na, tanggapin na ang dagdag na trabaho dahil dagdag din naman ang sweldo.

Dragon (Dragon)– Himala dahil ngayong araw na ito hindi ka magbubuga ng apoy. Magtataka ang asawa mo dahil ang ilong mong laging umuusok, ngayon ay titiklop. Ah kaya naman pala, malapit na kasi ang sahod, para ang ungot mo’y kanyang ipagkaloob. Good luck besh!

Ahas (Snake)- Masayang masaya ka kasi makakatanggap ka ng regalo mula sa dyowa mo kahit hindi mo naman birthday. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay babawiin niya ang regalo dahil hindi pala ito para sa iyo. Nagkamali ang pinag-abot niya kaya ikaw ay maghihimutok. Ang nakalagay kasi sa card ay pangalan mo pero kapangalan mo lang pala…ang yaya niya na siyang may kaarawan ngayon. Happy birthday yaya! Haha!

Kabayo (Horse)– Itutuon mo ang buong panahon mo sa trabaho, to the point na hindi ka tatanggap ng tawag sa telepono. Ang hindi mo alam importante pala ‘yon sa’yo dahil ang tumatawag ay amo mo. Kaya sa pagdating niya ihanda mo na ang sarili mo, mamili ka earphone o bulak pampasak sa teynga mo dahil siguradong sermon ang aabutin mo.

Tupa (Sheep)- Ayaw mo sa lunes pero ito ang araw na masuwerte sayo ngayon. Kasi darating na ang pinakahihintay mong kaibigan at magbabayad ng utang sa’yo. Pagkabayad niya ay aayain ka niyang gumimik sa gabi. Tuwa ka kasi na-miss mo siya at na-miss mo rin ang pera mo. Kaso lang ang suwerte mo pang umaga lang pala, dahil sa gabing paggimik nyo ay gigimikan ka rin niya, nawala daw ang wallet kaya ikaw muna ang sagot sa lahat ng pagkain at alak na inyong naubos.

Unggoy (Monkey)- Maiipit ka sa dalawang manliligaw mo kasi kailangan mong pumili sa kanila ngayong araw na’to mismo. Magkakasabay kasi sila ng pagdalaw sa’yo at gusto agad nilang malaman kung sino ang bet mo. Magdedesisyon ka na walang piliin sa kanila. Ano nagmamadali sila, may lakad? Hindi na uy marami pa naman ang pipila sa’yo, kabilang na ang bunging kapitbahay mo.

Tandang (Rooster) – Matataranta ka na naman dahil sunud-sunod naman ang utos ni boss. Hindi mo na nga alam kung ano ang uunahin mo, ang pagdadala sa 7th floor ng mga paperworks o pagsagot sa messenger mo. Tapos makakasalubong mo pa sa elevator ang crush mo na may crush naman sa officemate mo na ang crush naman ay ang boss mo…teka hindi cycle ito, wag ka assuming, hindi ka crush ng boss mo.

Aso (Dog)– Magdaramdam ka ngayong araw dahil ang bestfriend mo na bago lang sa trabaho nyo ay mauuna pang ma-promote sa’yo. Huwag kang ma-sad dahil babawian mo naman siya sa oras ng uwian, uunahan mo siyang umupo sa taxi na nauna niyang pinara kaysa sa’yo. O ano, quits na ba kayo?

Baboy (Pig)– Hindi mo alam kung ikakatuwa mo ang araw na ito. Ililibre ka ng bago mong kaibigan sa isang resto, libre nga diba kaya sagot niya lahat ang kakainin nyo. Kaso hindi ka niya bibigyan ng choices at sa halip ay siya lang ang pipili sa menu at ang masama pa don lahat ng mapipili niya ay hindi mo gusto. Kaya kumakain pa lang kayo, ang nguso mo ay mauuna na sa bahay nyo.

More TV Reviews

Vice Ganda Bio

More Bios

More Tanong mo Sagot ko

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More @nagmamatyag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here