Humorscope April 16

0
364

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Humorscope April 16. Bagot ka na ba sa mga seryosong kapalaran mo sa buhay? Lalo na tuwing araw ng Lunes na nakaka-stress? Pwes, hindi na ngayon, dahil ang kapalaran mo ayon sa iyong animal sign ang maghahatid sa iyo ngayon ng ngiti. Basahin na natin!

Daga (Rat)

Ang mga isinilang sa ilalim ng daga ay hindi na mangangapa sa dilim . Dahil sa araw na ito ay may ilaw na magbubukas.Oo, magbubukas dahil ang kuryenteng naputol sa inyo ay ikakabit na, o diba, kaya bayad bayad din pag may time para hindi na maulit ang pangangapa sa dilim. Baka iba pa ang makapa mo lalo na kung kakatok sa bahay nyo ang Mr. Dream Boy mo na kapitbahay nyo lang at mahilig magbigay ng ulam. Bakit kaya?

Baka (Ox)

Masyado kang bisi-bisihan today kaya marami kang makakalimutan. Bhe, pati pamasahe mo makakalimutan mo kaya patay malisya ka na lang sa pagcommute mo, kaya si driver patingin tingin sa’yo pero deadmakels ang drama mo. Pero susuwertehin ka pa rin dahil may makakasakay kang hero ng buhay mo at siya ang magbabayad ng pamasahe mo. Siya kasi ang boyfriend mo na hindi mo inaasahang makakasakay mo sa jeep dahil ang sabi niya night ang shift niya. Hmmm, nangangamoy away. Abangan natin bukas kung matutuloy ang away nyo.

Tiger (Tiger)

Magrerebelde ka ngayong araw. Pero hindi ka mamumundok. Dadaanin mo ang pagrerebelde sa pamamagitan ng pagmumukmok at pagkukulong sa kuwarto. Ito ay dahil lamang hindi mo nakuha ang iyong gusto. Gusto mo kasing magmall pero wala kang pera. Hindi ka binigyan ni mudra. Wow ha, hanap hanap din ng work pag may time para may pang mall na may pang jowa pa.

Kuneho (Rabbit)

Masayahin ka today. Sa sobrang saya mo pati mga nakakasalamuha mo nahahawa sa good vibes mo. Kaya lang ayos na yung mahawa sila sa saya mo wag lang sa di kagandahang amoy mo. Libre pa ang maligo kaya samantalahin mo na bhe. Lalo na at feel ni crush na lapitan ka ngayon, naku i-ready mo na ang pabango!

Dragon (Dragon)

Magmamatapang ka today kasi feeling mo minamaliit ka nila. Weh? Di nga? Sa laki mo ba namang ‘yan may magmamaliit pa sa’yo? Pero wag kang ma-sad, kasi feeling mo lang naman ‘yon. Ang totoo hindi ka nila minamaliit, tinatama lang nila ang mga nakikita nilang mali sa’yo. Ang totoo nga din niyan, ikaw ang nagmamaliit sa kanila kasi bakit ba naman ikaw lang ang matangkad sa opisina nyo. Maski yung asawa mo na katrabaho mo under mo, under mo sa size.

Ahas (Snake)

Magbibiruan kayo ng besfren befrenan  mo at huhulaan mo ang kapalaran niya. Saktong magkakatotoo ngayong araw kaya aakalain niya na isa ka talagang manghuhula. Dahilan para pagtaguan mo siya dahil ipagkakalat niya ang galing mo kaya hahanapin ka ng mga kasamahan mo sa trabaho para magpahula din sa’yo. Pssst, teh, labas na diyan sa ilalim ng mesa, malamok diyan sige ka, baka ma-dengue ka pa niyan paano na lang si my labs mo?

Kabayo (Horse)

Magaling ka sa takbuhan kaya pati kautangan ay tinatakbuhan mo. Pero hindi ka naman masama. Nagkataon lang na may ginarantoran ka at tinakbuhan ka kaya tumakbo ka na lang din, pero sana tumakbo ka para habulin siya hindi para taguan ang mga maniningil. Hay naku, daming ganyan ha, pinaboran mo na, ginoyo ka pa. Pero paano mo nga ba naman hahabulin ang nanggoyo sa’yo kung siya mismo ang boyfren mo na tumakbong kasama ang ibang babae tangay pa ang inutang sa’yo. Naku, ang sarap ipasipa sa kabayo!

Tupa (Sheep)

Bait-baitan today ang plano mo kasi napag-alaman mo na magbibigay ng bonus si boss. Kaso panira ng diskarte ang dyowa mo. Makikita mo siyang may kasamang iba pero hindi mo siya makompronta kasi male-late ka na sa work at pipila ka pa ng mahaba sa LRT. Kaya sa opisina ka na lang gagawa ng eksena. Para kang bukang sasabog, hindi gawain ng isang maamong tupa na katulad mo. Buti na lang to the rescue si boss. Kakausapin ka niya at makikisimpatya sa’yo. Malay mo, siya pala ang happy ending mo…for today only.

Unggoy (Monkey)

Ang mga unggoy kung minsan ay pabigla-bigla sa desisyon. Iyan mismo ang patutunayan mo ngayon. Tatanggapin mo ang isang malaking offer sa’yo sa trabaho at huli mo na matutuklasan na ang tao sa likod ng deal na isinara mo ay ang frenemy mo, kaibigan na kaaway. Dahil hindi ka na makakaatras, aasarin mo na lang siya maghapon pero hindi siya magbaback out kasi lingid sa kaalaman mo, may lihim siyang pagtingin sa’yo. Gulat ka no? kasi pareho kayong babae. Pero true bhe, undecided pa siya sa gender niya kaya ingat ka baka ang frenemy mo ay maging dyowa mo.

Tandang (Rooster)

Gustong-gusto mo ng atensyon kaya ngayong araw ay gagawa ka ng paraan para magpapansin. Magtatagumpay ka naman dahil maraming makakapansin sa’yo…sa pagkadulas mo habang palabas ka ng elevator. Omg! Papasok pa naman ng elevator ang crush mo. Hindi ito ang plano mo kaya babawi ka. This time hindi ka na mapapahiya dahil siya naman ang mapapahiya sa harap mo. Kasi matatabig mo ang dala niyang tray ng pagkain sa office canteen at matatapunan ang uniform niya. Sinadya mo yun. Yun nga lang, karma is real kasi after mong matabig ang tray niya ay madudulas ka ulit sa tumapong tubig sa floor.

Aso (Dog)

Ang aso ay kilala sa pagiging loyal. Kaya naman super duper ang pagiging loyal mo sa asawa mo. Today is the day na ipagtatanggol mo siya sa aaway sa kanya sa chat. Babae ang  aaway sa kanya na niloko raw nya. Ikaw ang sasagot sa mga chat nung girl at kulang na lang ay kagatin mo siya sa monitor. Itatago mo lang ang sakit na mararamdaman mo pero hindi ka makakatulog kaya ang facebook account ng asawa mo ay palihim mong idedeactivate habang naghihilik siya sa pagtulog. Aw!

Baboy (Pig)

Mabait ka today, as always. Ang kaibahan lang, stress ang Monday mo dahil sa patung patong na paper works kaya naman masusubok ang kabaitan mo. Kasi may kaopisina mo ang hihingi sa’yo ng favor na gawin ang paperworks niya dahil may pupuntahan siyang birthday. Dahil mabait ka, aakuin mo. Kaya naman ang overtime ay magiging overnight na. Tapos ichachat ka at padadalhan ng picture ng katrabaho mo ng pakikipagsaya niya sa birthday. Okay lang sana pero may mahahagip ang camera, nandoon din ang dyowa mo at nakaakbay pa sa kanya! Hmmm, smell fishy, kaya ang mga paperworks ay malalamukos ng di oras. Relaks girl, akbay lang naman ‘yon baka nangati lang ang balikat ng ka-work mo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here