How to Seriously Fight Cyberbullying in the Philippines

0
167

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang cyberbullying ay pang-aapi na nagaganap sa mga digital devices tulad ng mga cell phone, computer, at tablet. Ang cyberbullying ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng SMS, Text, at apps, o online sa social media, mga forum, o gaming kung saan ang mga tao ay maaaring tumingin, makilahok, o magbahagi ng nilalaman. Kabilang sa cyberbullying ang pagpapadala, pag-post, o pagbabahagi ng mga negatibo, nakakapinsala, mali, o masamang nilalaman tungkol sa ibang tao. Maaari rin itong maging pagbabahagi ng personal o pribadong impormasyon tungkol sa ibang tao na nagbubunga ng kahihiyan. Ang cyberbullying ay hindi lang basta offensive kung hindi labag din sa batas.

Ang pinaka-common na lugar o paraan ng cyberbullying ay makikita sa:

1. Social Media, such as Facebook, Instagram, Snapchat, and Twitter

2. SMS (Short Message Service) also known as Text Message sent through devices

3. Instant Message (via devices, email provider services, apps, and social media messaging features)

4. Email Ano ang nakaka-alarma dito? Sa pagkalat ng social media at mga digital forums, mga komento, mga larawan, mga post, at nilalaman na ibinahagi ng mga indibidwal ay maaaring madalas na makita ng ibang tao pati na rin ang mga kakilala. Ang mga content na kinakalahat ng mga indibidwal na nakakasira sa ibang tao ay nakakapagdulot ng mga permanenteng pinsala at public record ng views, activities at kaugalian. Ang public record na ito ay maaaring maging accessible sa future. Ang cyberbullying ay maaaring makasira ng online reputation ng mga tao. Paano ito lalabanan?

1. NAGSISIMULA SA KULTURA Upang labanan ang cyberbullying ng epektibo, kailangan nating baguhin ang kultura kung saan ito nangyayari, simula sa pagtulong sa mga bata na maunawaan na ang maaaring mukhang “isang joke” ay maaaring magkaroon ng isang malakas na epekto sa ibang tao. Mahalaga rin na ituro sa kanila na ang cyberbullying ay maaaring hindi gaanong karaniwan kaysa sa palagay nila: hindi namamalayan ng mga bata na common ang cyberbullying kahit saan.

2. KAALAMAN SA BULLYING AY IMPORTANTE Ang pagkaalam ng mga katotohanan ay mahalaga dahil kapag ang mga kabataan ay naniniwala na ang bullying ay talamak, mas aware sila at malalabanan nila ito at mahaharap – at kapag naiintindihan nila kung gaano kalaki ang epekto nito, sama-sama nilang mapupuksa ito.

3. ALAMIN ANO ANG MASAMA AT KUNG KAILAN IREREPORT ITO Ang parehong mga paaralan at mga tahanan ay dapat gumawa ng mga online na kasunduan o kontrata para sa paggamit ng computer, na may input mula sa mga mag-aaral o mga bata. Tiyakin na ang iyong kasunduan ay naglalaman ng mga malinaw na alituntunin tungkol sa etikal na pag-uugali sa online: ipinakita ng pananaliksik na ang mga rate ng pang-aapi ay bumaba kapag alam ng mga bata na laban sa mga panuntunan at kung paano iuulat ito.

4. ONLINE PRIVACY Sa mga mas bata na bumibisita sa mga gaming sites, ang isa sa rules sa mga online interactions ay dapat huwag magbigay ng personal na impormasyon at huwag magbahagi ng mga password sa mga kaibigan.

5. PAGIGING RESPONSABLE ONLINE Maraming makakasalamuha online ang mga bata ngayon kaya kailangan natin silang turuan kung paano maging responsable sa online usage nila.

6. ONLINE O OFFLINE, DAPAT AY MAINGAT Ipaalala sa mga bata na ang pinopost nila ay maaaring makita ng buong mundo, kung kaya’t dapat ay hindi sila iresponsable sa mga sinasabi nila. Maging open ka rin sa kanila pagdating sa communication para hindi sila mailap magsabi ng mga nararamdaman nila. Encourage mo sila magsalita kapag kailangan nila magsabi ng hinaing nila.

7. BE A GOOD EXAMPLE TO CHILDREN Huwag mo bigyan ng masamang ehemplo ang mga bata sa pamamagitan nang hindi pagpopost, pang-aaway at pamamahiya ng mga tao online. Kapag nakikita ng mga bata na okay lang yung mga masasamang ginagawa mo, iisipin nilang tama ang ginagawa nila. It will all start with the older generation. We have to be responsible in bringing the future generation to a safer place, to a safer life tomorrow.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Disyembre 29
Next articlePAMAHIIN; Panaginip
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here