How to Have a Date on Valentine’s Day

0
36

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Matapos ang no diet policy nitong nakaraang Chritsmas and new year, ang susunod na okasyon ay siguradong  mapapa-diet ka. Syempre Valentines na. Lalo na kung ikaw ay single pa. Kung yun ngang mga may kapareha ay kinakarir ang pagpapaganda para sa Valentines, ang mga single pa kaya na maghahanap pa lang ng makakapareha. Pero kung isa ka sa kanila, wala kang dapat ipag-alala dahil may mga paraan para makakuha ng kapareha para sa okasyong hinihintay ng mga pinana ni Kupido. Narito at basahin mo.

1.Bago maghanap ng kapareha, magpokus muna sa sarili. Kailangan mong gumawa ng list kung anu-ano ang kailangan mong baguhin sa sarili mo. Sa panlabas na anyo, check your face, your body, your hair. Baka dapat ka nang magpunta sa parlor. Baka dapat mo na ring bisitahin ang iyong dentista. O kaya ay baka kailangan mong magpa-spa. Importante rin na i-check mo ang iyong healthy diet. Kailangan na maging presentable ka muna.

2.Hindi ka lang sa panlabas na anyo dapat maging presentable. Dapat maging ang iyong kalooban. Check your attitudes. Baka may mga gawi ka na dapat mo nang alisin sa sarili mo. Yung mga ugali mo na palaging pinupuna sa’yo ng iyong mga magulang at mga kaibigan. Dapat ready na rin ang iyong kalooban sa pagpili ng iyong makaka-date.

3.Sa pagpili naman ng makaka-date hindi ka dapat magmadali. January pa lang dapat ay matuto ka nang mag-obserba. Hindi lahat ng nakikita mong ideal dates sa social network sites ay totoo. Maaaring ito ay kapani-paniwala pero dapat kang mag-ingat. Kung meron kang mga suitors, pwedeng isa sa kanila ang maka-date mo, yung mas kilala mo na at medyo panatag ka na. Pero hindi ibig sabihin ay sinasagot mo na siya. Ang pakikipag-date ay pwede ring isang friendly date at doon pa lang sa stage na getting to know each other. Kailangan mo itong linawin sa kanya.

Kung ready ka na sa iyong inside and outside  at ready ka na rin sa pagpili ng iyong makaka-date, hindi na imposible na ang iyong Valentine’s day ay maging maaliwalas dahil mismong sila na ang lalapit sa’yo para maka-date ka sa araw ng mga puso. fffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here