Horrorscope May 18

0
154

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

RAT

          Mapapaisip ka ngayong araw na’to dahil isang kakila-kilabot na kaganapan ang mangyayari sa’yo. Makikita mo ang dating kaibigan na akala mo ay patay na. Pero makakausap mo siya kaya mapapanatag ka rin sa huli.

OX

          Kikilabutan ka dahil makakakita ka ng patay na ahas sa labas ng bahay n’yo at mapapatili ka ng bonggang-bongga. Hanggang sa opisina ay iisipin mo ang ibig sabihin nito kung malas ba o malas?

TIGER

          Sobra kang magiging busy ngayong araw kaya hindi mo mapapansin ang anino na nagmamasid sa’yo. Mararamdaman mo naman pero hindi mo papansinin. Kung tao ba’to o multo wapakels ka dahil mas importante sa’yo na matapos ang deadline mo sa trabaho.

RABBIT

          Magtatampo ka sa partner mo dahil hindi ka nito susunduin sa trabaho. Kaya magta-taxi ka na lang. Makakaramdam ka lang ng matinding takot dahil ang driver ng taxi na masasakyan mo ay mukhang bangkay. Ayos lang ‘yan, besh, at least mukha lang pero hindi pa talaga siya bangkay.

DRAGON

          Mag-iisa ka na naman sa bahay n’yo kaya dadagain na naman ang dibdib mo. Kung bakit kasi magkakasabay-sabay na naman ang lakad ng mga kasama mo sa bahay. Ayan tuloy, mapupuyat ka na naman sa takot.

SNAKE

Ang hilig mong manood ng horror, numero uno ka namang duwag. Hanggang sa pagtulog tuloy ay dala-dala mo ang takot mo. Feeling mo kasi magkakatotoo ang zombie apocalypse at nag-iisip ka na agad kung paano mo maililigtas ang sarili mo.

HORSE

          Never ka pang nakakita ng multo kaya out of place ka sa kuwentuhan ng mga kaibigan mong nakakita na nito. Pero huwag kang mag-alala dahil mula ngayong gabi ay hindi ka na maa-out of place dahil makakakita ka na ng multo at sa mismo pang bahay nyo.

GOAT

          Matutuwa ka dahil mag-aalisan ang ka-boardmates mo para sumama sa outing. Matatahimik saglit ang mundo mo. Pero hindi pala masaya ang sobrang katahimikan dahil kung anu-anong kaluskos ang maririnig mo na hindi mo naman pangkaraniwang naririnig.

MONKEY

          Malulungkot ka dahil magpaparamdam sa’yo ang mahal mo sa buhay na yumao na. Maamoy mo ang amoy ng kandila at bulaklak pagkatapos ay ang pabango na madalas niyang gamitin. Hindi ka matatakot kundi kakainin ka lang ng labis na kalungkutan.

ROOSTER

Magmamadali kang umuwi dahil mababalitaan mo na brown out sa inyo. Mag-aalala ka kasi sa mga anak mo na yaya lang ang kasama sa bahay. Dahil madilim ang dadaanan mo ay kung anu-anong nakakatakot na isipin ang papasok sa utak mo.

DOG

          Mangangamba ka ng husto dahil hindi aabot sa deadline ang trabaho mo. Pero mas mangangamba ka sa pagpapatay bukas ng ilaw sa locker n’yo, wala pa namang ibang tao kundi ikaw lang.

PIG

          Kakainin ka ng takot dahil sunud-sunod na katok ang maririnig mo at ilang beses mo ring bubuksan ang pinto pero wala namang tao. Sa huli, magdedesisyon kang tawagan ang isang kaibigan para samahan ka sa apartment mo.

SHARE
Previous articleTanong mo Sagot ko May 18
Next articlePalmistry 150: Mayaman pero hindi happy
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here