28 C
Manila
Tuesday, April 15, 2025

PhilippineOne Horoscope April 14

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Iba’t-ibang klase ng nilalang ang makakasama mo ngayon. Pero ang kakaibang galing ng iyong personalidad ay mangingibabaw kaya marami ang lihim at lantad na sasaludo sa iyo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Hindi dapat na ang iyong mga kilos ay nakatali sa mga pananaw at opinyon ng ibang mga tao. Malaya ka, kaya, dapat masunod mo ang iyong mga gusto at sa pagsunod mo sa iyong mga gusto, magsisimulang magdatingan sa ‘yo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kung hindi ka makikinig sa payo, kikilos ang langit upang dalhin ka sa dapat mong kasadlakan. Isang magandang kapalarang may kaugnayan sa career at maunlad na kabuhayan na tungkol sa pagnenegosyo ang talagang hahantungan mo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na malilito ka. Kung sino ang pinakamalapit sa iyo, doon ka muna unang pumunta. Sa lugar na iyon may suwerte at magandang kapalaran kang makukuha. Mapalad na kulay ang blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Minsan sadyang nakakubli ang mga suwerte sa magulo  na mga pangyayari, pero biglang lilitaw na wala kang magagawa kundi ang ikaw ay mamamangha at hindi rin makapaniniwala sa mga buwenas at magagandang kapalarang mag-uuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang gray.Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay susundin at hahangaan ng iyong mga kausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Huwag kang makigulo sa gulo ng iba. Kahit maging tagapamagitan ay hindi rin puwede sa iyo dahil ang mga magagandang kapalaran na nasa tabi mo ay sasaiyo kung tahimik lamang ang iyong buhay at hindi makikisawsaw sa problema ng iba. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Muling iiral sa iyo ang pagsalungat sa nakatataas. Makikita mong hindi siya payag pero ang totoo ay mauunawaan niya ang paninindigan mo, kaya lang pilit niya iyong itatago. Ngunit, sa bandang huli ang kagustuhan mo pa rin at ang panukala mo ang siyang matutupad at mananaig. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Masarap na buhay ang pangako sa ‘yo ng araw na ito. Pero, may kundisyon. Sundin mo ang panukala at ang mga kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay lalo na ang iyong kapareha. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Wala pala sa materyal na bagay ang ligaya dahil ang mabubuting ugali ang pinagmumulan ng tunay na ligaya. Kaya kung gusto mong lumigaya, piliin mo ang may mabuting ugali. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS  (Enero 20 – Pebrero 18) – Bawal sa iyo ngayon ang magalit dahil ang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga  sandaling ikaw ay naging mahinahon at sa mga sandaling payapa ang iyong kaloooban.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Kung saan-saan ka makararating. Isa lang ang payo para sa’yo, ingatan mo ang kalusugan mo dahil sa panahon ngayon talagang hindi matapos-tapos ang gala at pasyal mo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.