Horoscope Setyembre 9, 2017

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, September 9, 2017, Sabado Isang date ang naghihintay sa iyo. Huwag kang magpakipot dahil nasasabik ka rin naman. Kaya lang talagang may lihim kang takot sa’yong puso. Tatanggalin ang lahat ng iyong alinlangan ng langit hanggang masungkit mo ang ligaya at tagumpay. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 9, 18, 33, 39, 42.

 

 

ARIES (Marso 21 – April 19) – Hindi mo makukuha ang mga gusto mo. Hindi dahil sa mahina ka, kundi dahil wala pa sa panahon ang iyong kahilingan. Hintayin mong dumating ang buwan ng Oktubre. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 5, 21, 35, 41, 45.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Maganda ang iyong mga binabalak. Kaya lang bakit ayaw mong magsimula agad. Kapag may simula, tuloy-tuloy ng papabor sa’yo ang langit. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 7, 10, 17, 20, 26, 41.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Pamamasyal ang laman ng utak mo sa araw na ito. Makakikilala ka ng bagong pag-ibig sa paglalakbay. Mapalad ang kulay na mint green. Masuwerteng numero 7, 19, 21, 28, 37, 44.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Kukunsintihin ka ng langit sa’yong mga ginagawa. Puro tagumpay ang aanihin mo ngayon. Mapalad ang kulay na blue.  Masuwerteng numero 4, 13, 19, 25, 28, 43.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  –  Marami na naman ang maiingit sa iyo. Maganda at sikat ka kasi. Pilit ka nilang ibababa pero hindi sila magtatagumpay. Nasa iyo ang bendisyon ng magandang kapalaran. Mapalad na kulay na orange. Masuwerteng numero 2, 8, 23, 35, 37, 41.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Paganda nang paganda ang iyong kapalaran. Partehan mo naman sa’yong mga tinamong biyaya ang isang Taurus na matagal ng sa’yo ay lihim na humahanga.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 33, 42, 45.

 

 

 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) – Ikaw ang taong ayaw mo ng pangit. Kaya lang pumapangit ang takbo ng iyong isipan kapag nakikita mo ang mga taong iyong kinaiinisan. ‘Wag mo silang intindihin, idaan mo na lang sa kain. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 9, 12, 24, 35, 38, 41.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Hindi masamang tumulong, kaya lang sa bandang huli, hindi mo ba napapansin ikaw pa ang nagiging masama? Tulungan mo lang kasi ang mga taong makakatulong din sa’yo at ‘wag mong tutulungan ang mga taong tamad. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 11, 28, 34, 40, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Napakalakas ng iyong pandama. Ang may masamang motibo ay hindi makalulusot sa’yo. Madarama mo rin ang kalooban ng mga taong may malinis na hangarin. At ngayon iba na ang nadarama mo, nararamdaman pagdating na ang malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 3, 10, 18, 27, 30, 39.

 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) –  Ang walis tingting ay magandang panlinis kung sama-sama. Ganu’n din ang sitwasyon mo, ‘wag sarilinin ang desisyon at mga gawain. Magpatulong ka sa mga taong nakapaligid sa’yo upang mas madali mong makuha ang iyong gusto. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 4, 17, 21, 26, 37, 43.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – Kapanatagan ng isip ang kailangan.  Ang payapang isipan ang sasagap ng mas maraming suwerte. Kaya dapat na magsimba ka kaya muna o kaya’y magnilaynilay sa isang tahimik na lugar. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 1, 10, 24, 28, 37, 45.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Huwag kang sumalungat sa alon ng buhay. Tularan mo ang larawan ng zodiac sign mong Pisces, mapakaliwa o mapakanan, umaayon ang isda sa takbo ng panahon. Makiayon ka sa lahat ng bagay, upang mapasa iyo ang suwerte at tagmpay.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 11, 21, 29, 30, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here