Horoscope, Pebrero 4, 2018

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Pebrero 4, 2018,  Linggo –  Noon pa man ay masuwerte ka na, hindi mo lang gaanong pinapansin. Pero sa araw na ito nagpasya ang langit na ang iyong pangalan ay ilagay sa unahan ng listahan ng mga likas na mapapalad. Kaya lalo ka pang susuwertehin at ang magagaNdang kapalaran mong ito ay hindi na maglalaho kailanman. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  13, 19,  29, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ingatan mo kung ano ang mayroon ka ngayon. Pera, ingatan mo. Karangalan, ingatan mo. Pamilya at mahal sa buhay ingatan mo, dahil ang mga ito ang iyong kaligayahan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 18, 27,  33,  42, 45.

TAURUS(April 20 – Mayo 20) Hindi mo ba napapansin, kung sino ang mas malakas ang loob, siya ang may mas malaking suwerte? Palakasin mo ang iyong loob. Hindi dapat magpatuloy ang iyong pagiging duwag at matatakutin. Ngayon mo na dapat simulan at ipatupad ang lahat ng iyong mga plano na matagal ng nakaimbak sa isipan mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  18, 27,  30, 33, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ngayon na ang araw upang pagtimbang-timbangin mo ang maraming ideya na pumapasok sa iyong isipan. Tama ang kasalukuyan mong pinapahalagahan, ang iyong pamilya. Sapagkat darating ang araw, mauunawaaan mong nasa pamilya pa rin ang kumpletong kaligayahan ng buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 14, 20, 28,  32, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Isang simple pero matamis na ngiti na mula sa iyong mga labi ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Alisin mo ang lungkot sa iyong mukha upang ang magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy na pumasok sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 11, 20, 28, 41, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Makinig ka sa mga opinyon ng mga kaibigan mo. Hindi ka nila dadayain dahil ang gusto nila ay gumanda ng iyong buhay. Ikaw ay kanilang minamahal. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 13, 26, 34, 37, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Noon pa man ay alam mo na ikaw ay kabilang sa mga taong mapapalad. Mahalin mo ang mga kapus-palad dahil ang mga suwerte nila ay napupunta sa’yo.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 19, 23, 31, 41, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Labanan mo ang udyok na maggagasta nang maggagasta. Kaya ang payo, mas mabuting sa bahay ka lang at huwag na huwag kang mamamasyal.   Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 36, 43, 45.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Lahat ay makakaya mo. Walang hindi ka maaabot. Walang hindi mo kayang tuparin sa iyong mga ambisyon dahil ikaw ay pinagkalooban ng mga katangian upang ganap na magtagumpay.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1,  17, 26, 27, 34, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Nakatuktok sa ‘yo ang lahat ng mga mata ng nasa paligid mo dahil sa iyong mga kahanga-hanang pagkilos at sa mga kakaibang suwerte at magandang kapalaran na napupunta sa iyo. Iwasan mong lumaki ang iyong ulo, upang ang buwenas ay tuloy-tuloy na mapasaiyo.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 18, 21, 33, 38, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Maayos na pagpaplano ang iyong kailangan. Kaya itigil muna ang mga mabibilis na pagkilos. Masasayang ang lakas mo at oras kapag hindi ka nagplanong mabuti. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  2, 17, 29, 34, 37, 43.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Hindi ka dapat masiraan ng loob sa harap ng mga biglaang pagdating ng mabibigat na suliranin. Ituring mong ang mga ito ay mga hamon ng kapalaran para sa iyo na anumang oras na mapagtagumpayan, mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang tiyak na mapapasaiyo. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 6, 19, 22, 31, 42, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Papasulong ang buhay mo. Dapat mong maunawaan na ang buhay na paabante ay hindi na nakatuntong ang mga paa sa dating kanyang inaapakan. Ibig sabihin, panahon na upang kalimutan ang iyong nakaraan at ituon ang iyong isipan sa hinaharap at sa mga pangarap at ambisyon mo sa buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 16, 25, 31, 40, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here