Horoscope, Pebrero 2, 2018

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Pebrero 2, 2018,  Biyernes  –  Hindi pa tapos ang laban at hindi pa rin tapos ang iyong masusuwerteng mga araw dahil ang araw na ito ay kabilang sa iyong mapapalad na mga araw. Saan ka man narooon, anuman ang kalaban mo sa kasalukuyan, tiyak na magagapi mo, dahil hindi ka hihiwalayan ng buwenas. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1,  16, 25, 29, 34, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Narinig nang nasa itaas ang iyong dalangin, kaya iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang agad na kikilos ang makapangyarihang kamay ng langit. Ipagkakaloob sa iyo ang iyong kahilingan. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 12, 18, 32, 38, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Ikaw lang at wala ng iba pa ang may kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mahal sa buhay. ‘Wag kang mag-alala, ihuhulog sa ‘yo ng langit ang mga kailangan mo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 24, 29, 31, 34, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Bilis ng isip ang magsisilbing susi para makaiwas ka sa mga magbibigay sa iyo ng problema. Huwag kang patalo sa mga negatibong pananaw na sumisingit sa ulo mo. Oo, kailangang lagi kang positibo at mabilis ang isip upang ang suwerte at magandang kapalaran ay patuloy na dumapo sa iyo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 37, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Sumandal ka ngayon sa isang taong nagmamalasakit sa iyo, kumbaga sa kanya ka lumapit at makaaasa ka na hindi ka mabibigo at ang kanyang ipagkakaloob sa iyo ay higit sa kailangan mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 36, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mabigat na hamon ng kapalaran ang iyong masasagupa. Magkagayuman ang panalo ay para sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  19, 25,  28, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Makaaasa ka na hindi masasayang ang iyong pagtitiyaga at pagsisipag sa buhay dahil walang pag-aalinlangan na sobrang gaganda ang kapalaran mo sa taong ito. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 17, 23,  31,  41, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) – Hindi lang isang tao ang tutulungan mo ngayon at bukod pa sa mga nasa tabi mo, ikaw din ay magbibigay ng alalay at ayuda sa mga taong nasa malayo na malapit sa iyong puso. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  15, 24,  27, 32, 41.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) -Tumatahimik ang mahal mo kapag sumisigaw ka at nangangatog sa takot. Kaya lang sumisigaw din ang damdamin niya na sana ay matuto ka na, na maging mahinahon. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  1, 9, 13, 18,  37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Ito ang araw na matutuklasan mong nasa tabi mo lang ang iyong suwerte, kumbaga hindi ka na dapat na lumayo pa. Siya mismo ang lagi mong nakakasama sa bawat lakad mo at paglalakwatsa. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 12, 22, 30, 40, 42.

CAPRICORN(Disyembre 22 – Enero 19) Pasayahin mo ang mga nasa malayo at ang mga taong hindi mo nakakapiling pero umaasa sa iyo at makaaasa ka na ang mismong langit ang magbibigay sa iyo ng gantimpala, kaya ang mga suwerte ay kusang daragsa sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 8, 17, 26, 34, 37, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Kagaya ng gagamba, matiyaga niyang hinihintay ang kanyang mabibiktima. Ganoon din ang mangyayari sa iyo ngayon. Ito mismo ang araw na ipagkakaloob sa iyo ang taong magbibigay mismo sa iyo ng suwerte. Galingan mo ang pakiramdam, kilalanin mo siya at kaibiganing mabuti.Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 19, 24, 31, 42, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  – Isama mo na ngayon sa iyong mga plano ang mga aktibidad para sa Araw ng mga Puso. Marami ka ng pagkukulang sa mahal mo dahil lahat na lang ay para sa hanapbuhay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 25, 36, 43, 45.    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here