Horoscope, Pebrero 15, 2018

Online Horoscope April 11 2018
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Perbreo 15, 2018,  Huwebes  – Masuwerte at makapangyarihan ka sa araw na ito, dahil  binigyan ka ng kalayaan na gawin ang anumang bagay na gusto mo at napakasuwerte mo dahil ang mga bagay na hindi mo kayang gawin ay ang langit na ang gagawa nito para sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 15, 24,  36,  40, 42

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Ang araw na ito ay hindi lamang para sa’yo, bagkus ito ay para din sa nagmamahal sa iyo na matagal ng naghihintay ng atensyon mo. Magkagayunman, tatanggap ka ng suwerteng magmumula sa kanya.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  17,  28,  37, 40, 41.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Hindi mawawalan ng kabuluhan ang iyong mga dasal at panalangin. Dahil sa araw na ito pinakinggan ka ng nasa itaas, bukod sa ikaw ay pagpapalain ng langit, bibigyan din ng suwerte at magagandang kapalaran ang mga mahal mo sa buhay. Magkakapera sila ng malaking halaga at ikaw ang unang-unang makikinabang at masisiyahan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 12, 23, 27,  33, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Alam mo ba kung bakit parang hindi ka gaanong sinusuwerte at parang may kulang pa sa mga pagsisikap mo? Dahil kailangang makasingit sa mga labi mo ang mahalagang ngiti. Ang ngiti ng labi at ang kagalakan ng iyong puso ang aakit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran, kaya gawin at subukan mong magpakasaya na uli ngayon. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 34, 40, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong pansinin ang mga nagbibigay sa’yo ng sama ng loob at mga suliranin. Ituloy mo lang ang mga plano mo sa buhay at ang mga bagay na gusto mong gawin. Sa bandang huli, papabor sa iyo ang pasya ng langit, ikaw ang mananaig at magtatagumpay, habang ang mga taong nagbigay sa iyo ng sama ng loob ay mapapahamak. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 4, 19, 27, 33, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sumisilip ng dahan-dahan ang sikat ng araw sa silangan, hanggang sa tuluyang magbigay ng liwanag at biyaya sa mga may buhay. Ganyan din ang gawin mo, painot-inot mong gawin ang mga pagsisikap mo na may kaugnayan sa materyal na bagay.  Kapag ganyan ka, maraming kang matatapos na may kaugnayan sa pagkakarehan na sa bandang huli ay ikauunlad ng inyong kabuhayan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  2, 15, 23, 26, 34, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Huwag panghinayangan ang ibibigay mong regalo sa iyong mahal, dahil ang munting regalo na mula sa iyo ay magiging katumbas ng iyong kasiyahan at pagkakaroon ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 12, 22, 33, 40, 44.    

 

 

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Kailangan mo ngayon ang isang kakuwentuhan na makikinig sa’yo na hindi ka sasalungatin. Puntahan mo ang palagi mong nakakatsikahan na kaibigan at kaugali. Habang nakikipagkuwentuhan ka sa kanya, may mga darating pang bagong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8,  18, 25, 32, 42, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Iwasan mo ang labis na tiwala sa sarili. Huwag mong kalimutan na napapasaiyo ang mga gusto mo kapag ikaw ay nagseseryoso. At hangga’t patuloy kang nagseseryoso sa ginagawa mo, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa buhay mo. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 19, 28, 31, 39, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Mabibigo ka kapag ang mga binuo mong pangarap ay simpleng maliit lang dahil itinalaga ka para magtagumpay sa mga dakila at malalaking mga bagay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 10, 21, 27, 41, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Simulan mo na ngayon ang pag-iipon, kahit na maliliit na halaga lang muna sa simula, sa huli lalaki rin ito at magagamit mong puhunan para negosyong noon mo pa binabalak na simulan.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 13, 18, 21, 27, 39.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Imbis na kunsumihin ang iyong sarili sa mga  problemang hindi naman nauubos, kung sisimulan mo ng lumabas ng bahay at tumulong sa mga mahihirap magbabago ang kapalaran mo. Sa paglilingkod sa kapwa, makikita mo, hindi masasayang ang iyong mga pagod at paghihirap, ang buhay mo ay magiging masarap. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 12, 25, 32, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  – Ito ang araw na patungo ka na sa pag-unlad at pag-angat ng kabuhayan. Ang kailangan lamang ngayon ay ang isabuhay ang mga laman ng iyong isipan. Kumilos ka at gawin mo ang magagandang ideyang nasa puso mo. Sapagkat ang anumang nasa puso mo na isinagawa mo ay siguradong magkakaroon ng positibo at magandang katuparan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4,  11, 19,  22, 32, 43.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here