Horoscope Oktubre 7, 2017

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 7, 2017,  Sabado   – Sakyan mo ang agos ng buhay na itinakda. Na ang ibig sabihin, wag kang kokontra sa mga pangyayari. Makaaasa ka na ang lahat ng agos ng buhay na ito ay mauuwi sa iisang sisidlan – ang malaking suwerte at kasaganaan na noon pa inilaan sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero ang 1, 7, 14, 19, 27, 43.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Matutuklasan mong iyong mga taong hindi mo inaasahan ang siya pang makatutulong sa iyo. Habang iyong mga taong dati ng malapit sa puso mo wala ka pa lang maasahan sa kanila. Hindi ka dapat manghina, o mawalan ng pag-asa, dahil ang langit ay laging nakahandang lumutas sa lahat ng iyong mga problema. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 17, 31, 33, 42, 44.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Ngayon na, hindi bukas o sa iba pang mga araw, magsisimula, ang pagdating ng iyong magandang kapalaran. Kapag nakikita mo nang umaambon sa labas, ibig sabihin lalagpak na ang ulan. Ganon din ang iyong suwerte, darating ng dahan-dahan at palakas ng palakas. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 4, 16, 21, 24, 30, 43.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) –  Isang bago at lihim na pormula ang itatanim ng langit sa iyong isipan kung paano susuwertehin sa buhay. Kaya kung gagamitin at pagaganahin mo ang pormulang ito, tiyak na aasenso ka at habang buhay na liligaya. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 14, 25, 29, 37, 40.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Kung sino ang tatagal sa iyo mahahawahan mo siya ng suwerte at magandang kapalaran. Habang ‘yong iba namang dumikit lang sa iyo pero umalis din, may suwerte rin silang babaunin, subalit panandalian lang. Piliin mo ang mga taong karapat-dapat, sila ang dikitan mo. Mapalad ang kulay na black.  Masuwerteng numero 3, 17, 20, 24, 29, 39.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Wag kang magulat kapag yong mga dating kontrabida sa buhay mo ay biglang naging malapit sa iyo. Gusto lang nilang makahuthot sa sobrang dami ng suwerte at mga biyayang dumarating sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 5, 14, 19, 22, 34, 40.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Higit kailanman ngayon ka dapat na maging matatag. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang hahampas sa iyo. Kasama rin sa mga suwerteng kakapit sa katawan mo ang ibat-ibang anyo ng pakikipag-relasyon. Masaya, nakakikilig at nakabubuhay ng dugo, ngunit mag-ingat ka. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 32, 37, 42.

 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) – Nagbalik ang iyong malakas na karisma. Kahit ang mga lihim mong kaaway magbabago ng kilos para maging malapit kayo.  Ngunit hindi mo na sila dapat pang tanggapin, mas marami pang dapat tulungan na mas mabubuti kaysa sa kanila.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4, 15, 18, 37, 39, 45.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Nakamasid sa iyo ang langit. Kapag nakagawa ka ng kabutihan, ibibigay agad sa iyo ang iyong kahilingan. Kung wala ka namang hiniling, pagagandahin ng langit ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 1, 9, 12, 25, 34, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Ang buhay ng tao ay parang turumpong mabilog. Lupa ay hinuhukay sa kanyang pag-inog. Magbago ka ng kilos, upang hindi ka lumubog. Bago mahuli ang lahat, dispatsahin mo ang mga kaibigang dati ng nagpahamak sa iyo habang magdidikit ka sa mga kaibigan dati ng nakatulong sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5,  11, 18, 21, 37, 45.

 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) – Pinapanood ka ng langit sa lahat ng iyong ginagawa. Kapag sumablay ka, ang dating nasa sa iyo ay babawiin pa. Subalit kung namumuhay ka ng matuwid at may malinis na puso, yong dati ng mga pag-aaari mo, dodoblehin ng langit at lalo ka pang sasagana at bibigyan ng napakaraming mga pagpapala.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 8, 19, 21, 25, 37, 41, 44.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – Padadalan ka ng langit na makakatuwang mo at aalalay sa iyo.  Pigilan mo ang iyong damdamin dahil sa totoo lang, panandalian lang ang misyon niya sa buhay mo. Mapalad na kulay ang  beige. Masuwerteng numero 2, 9, 28, 30, 37, 42.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Hinihintay ka nang suwerte. Ang kailangan mo lang gawin ay kumilos at lumabas ng bahay. Kahit ano pa ang binabalak mo, basta’t ipatupad mo yan, tiyak na papalarin ka. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 12, 19, 29, 34,  44.