Horoscope, Oktubre 27, 2017

0
721
Online Horoscope April 11 2018
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 27, 2017,  Biyernes   –   Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Makaaasa ka na ang langit ay hindi ka kokontrahin, lalo na kung ikaw ay gagamit o magsusuot ng kulay na pula. Bukod sa pula, mapalad ka rin sa kulay na maroon. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 5, 8, 19, 27, 38, 43.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Pagkakalooban ka ng langit ng ibayong kasiglahan, upang ang hindi mo natapos na mga proyekto ay magawa mo na ngayon. Ang kasiglahang ito ay puwede mo ring gamitin para sa personal mong kaligayahan. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 9, 18, 21, 33, 39, 44.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Nababalot ka ng suwerte sa ngayon. Ang suwerteng ito ay magbibigay sa iyo ng proteksyon kahit saan ka pumunta.  Kahit sinong tao ang manira sa iyo, ay hindi tatalab, sa halip, silang mahilig manira at magkalat ng intriga ang mapapahamak. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 37, 41.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Kahit na mag-alinlangan ka susuwertehin ka. Kapag nawala ang inyong pag-aalinlangan, lalo ka pang susuwertehin. Darating ang suwerte ng sunod-sunod at kumpul-kumpol. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 18, 25, 32, 38, 42.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Mahina ang tawag nila sa mga maawain at mapagbigay. Ngunit, malakas ka sa nasa itaas, kaya patuloy kang bibigyan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Kahit tanggihan mo, ang suwerte at magandang kapalaran ay patuloy na ipagkakalob sa iyo.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 31, 43, 45.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Hindi dapat masira ang araw mo sa mga taong negatibo. Lumayo ka sa mga taong paladaing at mareklamo, wala kang mapapala sa kanila. Sa halip, sa mga taong matulungin at mababait ka dumikit. Sila ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 5, 8, 17, 19, 28, 31.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Dumating na ang takdang araw at ito ay ngayon kung kailan ay dapat kang kumilos upang ang pagpapayaman ay iyo nang masimulan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2, 13, 23, 28, 31, 43.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Malakas ang panghalina mo sa araw na ito. Dahil ang malalakas at makapangyarihan ay mabibighani sa iyo. Habang naaakit mo sila, tuloy-tuloy naman ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 37, 40, 42.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Pipilitin mong baguhin ang ikot ng mundo, pero hindi mo magagawa. Dahil babalik at babalik pa rin ito sa dati niyang ikot. Ang dati at natural na ikot ng mundo ay ang lagi kang bigyan ng suwerte at magandang  kapalaran.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 18, 27, 37, 41, 45.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Daig nang maagap ang masipag. Sa ngayon maagap ka na, masipag ka pa. Kaya iiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpitensya. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 23, 25, 33, 42.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Pahiramin mo ng tapang ang mga taong nakakausap mo, sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga karanasan mo na ikaw ay tumapang, na ikaw ay nagtiis, na ikaw ay hindi sumuko at nagkaroon ng lakas ng loob at nakuha mo ang iyong gusto. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 7, 11, 19, 28, 34, 44.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – Babagal ang ikot ng mundo mo, kaya tatalunin ka ng lungkot.  Alalahanin mo ang mga masasayang araw na nagdaan. Sapagkat kapag masaya ang isinilid mo sa iyong isipan, isa-isa na uling magdaratingin ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  4, 19,  22, 25, 31, 40.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) –  Muling maaakit sa iyo ang mga taong dati mo ng nakausap. Ngunit sa pagkakataong ito, pambihira ang panghigop mo. Kahit ayaw nila, hindi ka nila magagawang tanggihan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 31, 40, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here