Horoscope, Oktubre 23, 2017

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 23, 2017, Lunes – Ang bangka na sumasalungat sa alon ay nawawasak, hindi mo ito dapat na gawin. Sa halip, sakyan mo lang ang mabilis na agos ng iyong kapalaran at makakaasa ka na dadalhin ka nito sa malaking tagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 23, 27, 41.

ARIES (Marso 21 – April 19) – Magplano muna bago kumilos. Maraming nabigo at nalugi dahil sa lakas ng loob ngunit ‘di sapat ito upang umasenso sa buhay. Kapag nakaplanong mabuti ang lahat ng iyong ginagawa, papabor sa iyo ang langit. Susuwertehin ka at pagkakalooban ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 27, 36, 39.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Muling ibinalik ng langit ang masuwerteng araw mo at ito ay ang ngayon. Gawin mo na ang gusto mo gawin at tiyak na ikaw ay bubuwenasin. Sa sandaling nagtuloy-tuloy ang buenas, balatuhan ang mga taong nakapaligid sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 3, 4, 15, 28, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Wag kang mag-alinlangan lalo na sa araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Panatiliin mo ang pag-iisip ng mabuti at magaganda, upang ang mabuti at magagandang kapalaran ay dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 36, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Sobrang emosyonal ka. Madalas tinatalo ng iyong damdamin ang iyong isipan. Kontrolin mo ang iyong damdamin upang hindi ka masaktan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 7, 19, 34, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Pinag-iingat ka ngayon sa bawat sasabihin mo. Kung hindi naman maganda ang lalabas sa’yong bibig, wag kang magsalita, upang wala kang makaaway at walang taong sasama ang loob sa iyo. Sa bawat magagandang bagay na lalabas sa bibig mo, susuwertehin ka. Ang kamalasan ay susunod-sunod sa bawat negatibong bagay na bibigkasin ng iyong bibig. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 34, 38, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapansin-pansin ang hilig mo sa pagkukuwento na ang tunay na ibig sabihin sa kuwentuhan ay nakakalimutan mo ang iyong kalungkutan at mga problema. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 38, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Ang langit ang kikilos para sa iyo sa araw na ito. Hindi kapanipaniwala na matsa-tsamabahan mo ang tamang dapat na gawin. Kahit ikaw sa sarili mo ay magugulat. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 5, 15, 24, 33, 39, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Dapat na sumunod lang sa iyo ang iyong mahal. Dahil kung hindi siya susunod, hindi kayo makapagsisimula, kailan man. Dapat niyang malamang ikaw ang kanyang suwerte na nagbibigay sa kanya ng magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 16, 27, 31, 40, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hawakan mo ang galit mo at hawakan mo ng mahigpit. May babala na mabilis kang magagalit. Ang galit ay nagpapahina sa maseselang bahagi ng katawan. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 27, 33, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) – Marami ang nagtataka sa iyo. Dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa mga nangangailangan,. Marami ang mamamangha sa iyong kapalaran dahil sa ginagawa mong ito bigla kang pagkakaloob ng dambuhala at sobrang laking suwerte. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 34, 41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – ‘Wag mong takasan ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Kumukuha lang ng buelo ang langit, anumang oras mula ngayon darating na ang iyong tagapaglitas. . Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 32, 38, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Sa iyo ang araw na ito. Walang sinuman ang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo. Ang mabuti nilang magagawa ay makiayon sa lahat ng iyong sasabihin. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 10, 25, 29, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here