Horoscope, Oktubre 02, 2017

Online Horoscope April 11 2018
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 2, 2017, Lunes  – Muling lalakas ang iyong karisma at pang-akit. Kaya kahit hindi mo gaanong kakilala ay maakit sa iyo. Hihigupin din ng malakas mong magnetismo papalapit sa iyo ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalarang hindi mo makakayang pigilan. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 15, 25, 33, 34, 42.

 

ARIES (Marso 21 – April 19) – Ilihim mo lang ang mga suwerteng natatanggap mo at nangyayari sa iyo. Ito ay upang masundan ka pa ng maraming suwerte. Kung hindi mo ililihim, may ilang mga suwerte ka pa rin naman pero kokonti na lang. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 3, 9, 17, 27, 29, 41.

 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) – Maligaya ang taong may mabuting pamumuhay, ngunit higit na maligaya ang taong patuloy na sinusuwerte. Parehong mangyayari sa iyo ang una at huli. Dahil likas ang iyong kabutihan, maraming suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 2, 14, 19, 27, 32, 42.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Bago mo dagdagan ang mga koleksyon na umaakit sa mata mo. Ikaw ay pinapayuhan na maglinis muna ng iyong kuwarto. Hindi mo ba napapansin, punong-puno ng abubot ang silid mo? Kapag malinis ang kapaligiran darating ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 14, 26, 37, 41, 44.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Ibahagi mo sa iba ang iyong suwerte. Wag kang mag-alala, dahil kapag ginawa mo ito, tulad ng mga halaman na nababawasan ng mga dahon at sanga, lalong lalago ang iyong kabuhayan. Malagong-malago at masaganang-masagana. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6, 11, 25, 27, 34, 41.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Sumasabay-sabay lang sa hangin ang sanga ng liryo sa parang. Kaya maganda at kaakit-akit siyang tingnan. Ganon din ang gawin mo, sumabay ka lang sa takbo ng mga pangyayari at wag kokontra. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magagandang kapalaran ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 1, 11, 27, 37, 40, 44.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Paunlarin mo ang iyong galing sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga modernong paraan sa komunikasyon at social media. Sa gawaing nabanggit ka, susuwertehin at magtatamo ng maraming pera at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 12, 19, 37, 41, 44.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Kapag biglang nagpakita sa iyo ang lihim mong kursunada makipagsapalaran ka. Dahil ito ay nangangahulugang malaking suwerte ang biglang bubuhos sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 18, 21, 29, 31, 43.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Nakatutok ka ngayon sa pagpaparami ng kabuhayan. Aayunan ka ng langit kaya matutupad ang matagal mo ng pangarap na magkaroon pa ng iba pang daluyan ng salapi patungo sa iyo. Habang tumututok ka, palakas ng palakas ang daloy ng suwerte at mga pagpapalang paparating na sa iyo.   Mapalad ang kulay na emerald green. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 28, 38, 40.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – ‘Yong mga nagsusungit ay pumapangit. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang nagtataray ka lalo kang gumaganda. At habang gumaganda at nagtataray ka, patuloy na darating sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 6, 15, 27, 33, 39, 42.

 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) – Hawak mo ang susi ng iyong tagumpay. Pero, mabibitiwan mo ito kung hindi mo gagamitin. Ang susi ay ginagamit at hindi tinatago. Ngayon alam mo na ba kung paano bubuksan ang suwerte at magagandang kapalaran upang makuha mo ang kumikinang-kinang na tagumpay? Dapat alam mo! Mapalad ang kulay na royal blue. Masuwerteng numero 1, 10, 17, 28, 38, 41.

 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) – “Umibig, nabigo at lumuha” – ganyan ang karanasan mo dati. Ngunit nakita ng langit ang iyong kalungkutan at dininig ng langit ang iyong kahilingan. Mula ngayon ito na ang mayayari sa iyong karanasan – “umibig, kinilig, lumigaya, at nasarapan!” Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 4, 11, 22, 31, 38, 44.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Mula sa ibaba itataas ka ng langit. Habang mula sa itaas, ibabagsak naman ang mga nakaaway mo. Magsisisi sila kung bakit ba nainggit at siniraan ka nila. Pero huli na ang lahat, hindi na nila maibabalik pa ang kahapon upang kaawaan sila ng langit. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 37, 41, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here