Horoscope, Enero 9, 2018

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 9, 2018,  Martes  –  Bibihira ang inilalagay ng langit sa itaas dahil ang mga pangkaraniwan nilalang ay kailangang higit na mas marami. Ikaw ay kabilang sa mga kokonti na magkakaroon ng mataas na posisyon at pamumuhay sa lipunang iyong ginagalawan.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 5, 12, 18, 33, 39, 45.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bawal na bawal sa’yo ngayon ang magalit. Dahil ang suwerte ay dadapo sa’yo sa mga sandaling payapa ang iyong kalooban at masaya ang disposisyon ng iyong isipan. Kaya, alam mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin? Alam mo na ba, – ngumiti! Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 4, 11, 27, 36, 37, 42.

 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Isa ka sa magiging mapalad sa taong ito, kaya kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Hindi dapat na ang iyong mga kilos ay nakatali sa mga pananaw at opinyon ng ibang tao. Malaya ka at mapalad ka ngayon, kaya dapat masunod mo ang iyong gusto. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 16, 18, 28, 39, 45.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Ito ang taon na magdaragsaan ang iyong magagandang kapalaran. Upang ito ay hindi maantala, umpisahan mong mamigay ng suwerte at pagtulong sa mga taong malalapit sa’yo na nangangailangan. Wag kang mag-alala, ibabalik ng langit ang lahat ng naitulong mo ng doble-doble at mas marami pa. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 12, 32, 34, 38, 41.

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Masarap na buhay ang pangako sa’yo ngayong araw pero may kondisyon. Makikisakay ka sa mga biro at palipad hangin ng may gusto sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 17, 22, 32, 37, 43.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Muling iiral ang pagsalungat sa nakatataas. Makikita mong hindi siya payag pero ang totoo ay mauunawaan niya ang paninindigan mo kaya lang pilit niya itong itatago. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 12, 24,  31, 34, 40.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa taong ito kung ano ang wala sa’yo, yon mismo ang mapupunta sa iyo. Kaya subukan mong gustuhin ang mga bagay na wala sa’yo at paglipas ng ilang panahon, magugulat ka sa resulta, lahat pala ng ginusto mo ay talaga palang Mapupunta sa iyo.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 16, 26,  31 34, 41.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Iba’t ibang klaseng nilalang ang makakasama mo ngayon. Pero, ang personalidad mo ay mangingibabaw kaya marami ang lihim at lantad na hahanga sa iyo. Mentras maraming humahanga sa’yo at nagkakagusto, ang suwerte at magandang kapalaran ay sabay-sabay ding magdaratingan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4,  14,  24, 33, 41, 45.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan sa ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay hahangaan ng iyong makakausap. Dahil paniwalang-paniwala sila sa’yo, madadagdagan ang iyong trabaho at madadagdagan din ang iyong kinikita.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 10, 19, 29, 34, 44.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Sa panahong ito wag kang makigulo sa gulo ng iba. Kahit na maging tagapamagitan ay hindi rin puwede sa iyo dahil ang mga magagandang kapalaran na nasa tabi mo ay mapapasaiyo lamang kung tahimik ang iyong buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 19, 27, 34, 39, 42.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Sumimpatya ka at ipaglaban mo ang mga naaapi at may problema. Ganyan ang papel mo ngayon sa mundo. Wag kang mag-alala, dahil sa kabutihan ng iyong loob, gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 8, 18, 27, 31, 40, 44.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – May mga taong makulay ang buhay pero walang naiipon. Wag mo silang tularan, kahit na maging makulay ang buhay, wag kang malilibang sa saya, dapat mag-ipon ka para kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 15, 21, 31, 35, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  May bukas pa! Ito ang sabi ng mga tamad. Wag mo silang tularan. Gawin mo na ngayon ang lahat ng kaya mo. At kung dumating ang bukas, wala ka ng gagawin kundi ang magpahinga at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang iyong natatanggap. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 9, 25, 34, 37, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here