Horoscope, Enero 8, 2018, Lunes

0
580
Online Horoscope April 11 2018
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 8, 2018,  Lunes   –  Sa taong ito ng 2018 mapananatili mo ang iyong magandang katawan kahit na pataba ka ng pataba at ang isa pang kahulugan ng mataba mong katawan ay pataba rin ng pataba ang iyong bulsa hanggang sa ikaw ay tuluyan ng yumaman.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 19, 28, 34, 41, 44. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ibibilang na naman ang pangalan mo sa mga makatatanggap ng malalaking biyaya at mga pagpapala sa taong ito. Wag na wag maiinggit sa iba, lalo na sa mga nakakatanggap ng maliit na mga biyaya, dahil mas malaki ang sayo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 8, 18, 27, 34, 42, 45. 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Inilagay ka ng kapalaran sa kasalukuyan mong kalagayan upang tumulong. Kaya, kapag may humihingi sayo ng tulong wag kang magrereklamo. Anuman ang ginagawa mo, pinanonood ka ng langit at sa bawat pagtulong na iyong ginagawa dobleng suwerte at magandang kapalaran ang papapasa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 15, 21, 36, 39, 45. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ikaw ang magsisilbing pampasuwerte ng mga kaibigan at kasama mo sa buhay. Nangyari na sayo ang ganito at mangyayaring muli, dahil ang totoo, talaga namang ikaw ay isang taong masuwerte lalo na sa taong ito ng 2018.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 9, 25, 32, 37, 41.     

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nasa mataas na level  ang iyong pandama. Kaya hindi nakapagtataka na mahuhulaan mo ang maaaring magaganap.  At kung ano ang ipasok mo sa isipan mo, maaari ring magkatotoo. Kaya isipin mong susuwertehin ka sa taong ito para magkakatotoo. At tandaan mo ring wag na wag kang mag-iisip ng negatibo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 5, 14, 24, 34, 39, 45. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ipayapa mo ang iyong isipan at ilagay mo ang lahat sa tamang oras. Dahil ang mga suwerte mo ay darapo sa iyo sa mga oras na payapat panatag ang iyong isip at damdamin. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 4, 11, 25, 35, 37, 40. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi pinagsisihan ang mga pagkakamali dahil kasama ito sa pagsasanay habang pinag-aaralan ang mga sitwasyon. Tiyak din namang may matutunan ka mula sa mga ito. At wag kang matakot na magkamali, dahil habang nagkakamali ka basta’t itinutuwid mo lamang ito, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 16, 19, 28, 39, 43.     

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ang iba ay kailangan pang magsikap at magsipag upang umunlad. Pero ang sayo ay kakaiba, panatiliin mo lang ang pagiging malambing mo lalo na sa taong ito. Kapag ganyan ka, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay magdaratingan na sayo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 12, 27, 34, 37, 42. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag patulan ang mga naninira sa iyong pagkatao. Dahil habang ginagawa nila ang ganoon, sila ang nasisira. Ituloy mo lang ang iyong mga plano sa taong ito, malapit na malapit ka ng magwagi at magtagumpay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 17, 22, 32, 40, 44. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Makakabangga mo ngayon ang isang nilalang na tulad mo ring pala-kontra. Umiwas ka sa kanya, walang patutunguhan ang inyong debate. Alalahanin mong metras wala kang katalo, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa’yo sa taong ito. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 12, 24,  30, 34, 42. 

CAPRICORN  (Disyembre 22 – Enero 19) Kinakapos ka ng sigasig. Inaakala mong puwedeng mamahinga sa pagpaparami ng kabuhayan. Hindi ka dapat huminto kahit sandali dahil marami pang suwerte ang naghihintay sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 16, 26,  34, 42, 45. 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka laging mabubuhay sa lungkot dahil mula sa araw na ito, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan na sayong buhay. Kaya ngayon pa lang ngumiti at magsaya ka na. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4,  14,  22, 31, 41, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka dapat patangay sa mga pagsasaya dahil kapag nagkagayun, malaki at marami ang mababawas sa kaban-yaman mo. Alalahanin mong ang kinabukasan pa rin ng pamilya ang mahalaga. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 10, 19, 29, 31, 43. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here