Horoscope, Enero 23, 2018

Online Horoscope April 11 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 23, 2018,  Martes  – Kung sino ang may malakas na loob siya ang may mas malaking suwerte. Mula sa araw na ito palakasin mo ang iyong loob, makikita mo, ang malaking suwerte at magagandnag kapalaran ay magdaratingan na sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 14, 26, 32, 38, 43.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kahit kailan hindi ka puwedeng pailalim sa kahit sino dahil isinilang ka na mas mataas ang personalidad kaysa sa mga pangkaraniwan. Ganoon din ang tatamuin mong suwerte. Higit na mas mataas at mas malaki sa pangkaraniwan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 9,  12, 21,  33, 42, 44.

 

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Hindi mo namamalayan, madali lang naman ang pormula ng tagumpay na nagsasabing bawat oportunidad na ilalagay sa iyong harapan ay dapat mong sunggaban agad. Ito ngayon ang isabuhay mo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 8, 18, 37,  39,  42, 45.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masaya ang buhay ng taong kung ano ang kanyang hilig ay ‘yon mismo ang kanyang pinagkakakitaan. Gawin mong hanapbuhay ang iyong nakahiligan, yayaman ka.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  14 , 24,  27, 33, 45.   

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa madaling araw nahuhulog ang hamog mula sa langit  upang mabasa ang mga halaman. Ngunit, sa panahon ng tag-araw, kulang ang hamog upang manariwa ang mga halaman. Ang sa buhay mo ay kakaiba, bubuhos ang tamang-tamang ulan, sapat upang lumago ang iyong kabuhayan, hanggang sa tuloy-tuloy mong makamit ang masaganang ani at ang pagyaman.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 11, 25, 28, 37, 43.

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sabi nila ang kahirapan ay hindi hadlang para makuha mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Ikaw ngayon ay nag-aalinlangan. Alisin mo ang iyong pag-aalinlangan. Kapag nawala ang iyong pag-aalinlangan, makikita mo uunlad ka na hanggang sa yumaman. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 28, 43, 44.

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ang iba ay inaangalan mo at ayaw mong sumunod, wala kang karapatang sumalungat sa iyong kapalaran, dahil ito ay paganda na ng paganda ngayon at lalo pang gaganda sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 5, 18, 23, 32, 37, 41.

 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa iba, pangkaraniwan lang ang suwerte. Ang sa iyo ay kakaiba, malalaki at espesyal talaga na isa-isa mong matatanggap sa ngayon. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 18, 21, 33, 42, 45.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mag-ingat sa iyong pagsasalita, dahil minsan ang iyong mga salita ay hindi mo napapansing nakakasakit na sa iyong kapwa. Iwasan mo na ito ngayon, dahil baka mapuno na ang mahal mo sa buhay na lagi mong pinagsasalitaan ng hindi maganda at iwanan kang bigla. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 13, 25, 36, 39, 42.    

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi pupuwedeng walang pangarap ang isang tao, dahil wala rin siyang mararating. Ang sa iyo naman ay may pangarap ka, pero hindi puwedeng mababa at maliit lang. Lakihan mo ang pangarap mo, dahil ang nakatakda sa iyo ay malalaking tagumpay at malalaking suwerte sa buhay.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 3, 21, 27, 32, 41, 43.

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Kakaiba ang iyong personalidad dahil ang marami ay madaling sumuko at umayaw, pero, ikaw laging buo ang loob mo at hindi ka umaayaw sa anumang hamon ng kapalaran, dahil dito inaasahang sa malapit na hinaharap makukuha mo ang anumang ambisyon at anumang pangarapin mo sa buhay. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 8, 16, 23, 34, 38, 41.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Humihinto ang ikot ng mundo kapag ang tao ay may dumarating na bagong problema. Ang problema mo ay hindi naman bago, kaya dapat ay tuloy-tuloy lang ang ikot ng iyong mundo. Ang dapat pa nga ay magsaya ka, dahil ang mga problemang luma na ay isa-isa na ring lilisan at matutunaw sa susunod na mga araw.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 19, 20, 28, 31, 40.    

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Sa listahan ng kung sino ang may pinakamaraming dapat na ipagpasalamat sa langit ikaw ang isa sa nasa unahan. Ibig sabihin mas masuwerte ka kaysa sa iba, at mula ngayon mas marami pang suwerte ang bubuhos sa iyong buhay, dahil marunong kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 16, 25, 38, 41, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here