Honey, calamansi and brown sugar scrub

0
83

Nais mo ba ng pantay na kulay makinis na mukha? Subukan ang scrub na ito. Kung ikaw ay katulad ko na isang beauty buff, o mahilig sa mga pampaganda ngunit gusto makatipid, gawin ang facial scrub na ito na gumagamit lamang ng mga natural sangkap na karaniwang natatagpuan sa ating kusina.

Honey, calamansi and brown sugar scrub

Mga Sangkap:

1 kutsarang pure honey

1 kutsarang calamansi juice

1 kutsarang brown sugar

Honey o Pulot

Ang honey o pulot ay maraming benepisyo. Hindi lamang sa ating kalusugan, pati na rin sa ating balat. Bukod sa ito ay mainam na moisturizer, mayaman din ito sa likas na antioxidant at antimicrobial properties. Ito ay matagal nang ginagamit ng mga kababaihan noong unang panahon pa man upang mapanatili ang kinis at kabataan ng kanilang balat kaya hanggang ngayon ay makikita mo ito sa napakaraming produktong pampagaganda.

Calamansi

Ang calamansi ay nagtataglay ng vitamin C na siyang sa tumutulong sa ating immune system sa pagiwas sa mga sakit. Isa rin ito sa mga pangunahing sangkap sa pagpapaputi o pagpantay ng kulay. Nagtataglay ito ng natural na bleaching at exfoliating agent na nagpapabilis ng pagpapalit ng balat upang ma-reveal ang panibago, makinis, at naglulumiwanag na balat.

Brown Sugar

Brown o kayumanggi, hindi white sugar ang gagamitin sa scrub na ito dahil ang mga granules o butil ng brown sugar ay mas malalambot kumpara sa processed, o puting asukal kaya ito ay sapat lamang upang umisis ng mga lumang selyula ng balat. Mayroon din itong glycolic acid at alpha hydroxil acid na nakakapagpanatili ng kalusugan ng mga cells o selyula. Kumukuha din ang kayumangging asukal ng mga kahulamigmigan mula sa ating kapaligiran at nila-lock in sa ating balat dahil sa mga hydrating properties nito.

Paraan ng pag-gawa at pag-gamit ng scrub:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here