Hirit ni PNP Chief Dela Rosa sa mga pari: Kayo lang ang banal?

429

Sa muling pagbabalik ng Oplan Tokhang ay kaliwa’t kanan na naman ang batikos dito mula sa mga grupong sobrang concern sa mga buhay na maaari na namang malagas. Isa na rito ang Simbahang Katoliko na hindi lamang kritiko ng nasabing programa ng Philippine National Police o PNP kung hindi lalo pa ng Pangulong Duterte. 

Lalo pang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng kapulisan at Simbahan ng noon lamang nakaraang araw nagbigay ng babala ang CBCP hinggil sa  plano ng ibang mga pulis na magdala ng Bibliya at mga rosary habang isinasagawa ang Oplan Tokhang. 

“Bringing those religious items during police operations is good only for theatrics. They are not essentially necessary. Let the police do their jobs with high regard for standard procedures and the legal rights of suspects.” Ito ang saad ni Fr. Jerome Secillano na siyang executive secretary ng committee ng CBCP on Public Affairs. 

Dahil sa statement naman na ito ay nanggagalaiting humarap si Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa nito lamang Pebrero 5, 2018. 

“Please tell them you don’t have the monopoly of the Catholic religion. Hindi porke’t kayo ang mga obispo, kayo ang mga pari, kayo lang ang may karapatang maghawak ng Bibliya at magdala ng rosaryo. Porke pulis lang kami, hindi kami karapat-dapat? Wow! Kayo lang ang banal? Porke kayo ang pari, kami makasalanan na?” 

Hindi naman masisisi ng taong-bayan kung manggalaiti sa  galit ang PNP Chief dahil na rin kahit pa ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi maging madugo ang laban nila kontra droga ay pilit pa rin itong biniibigyan ng ibang kahulugan ng Simbahan. 

Ni hindi man lamang nila binibigyan ng papuri lalo pa na mula ng maibalik ang Oplan Tokhang ay walang problemang naganap at naging ‘bloodless’ pa diumano ang nasabing oplan.

On the first day of the resumption of our Oplan Tokhang, maraming na-tokhang. So far, so good. Wala pa tayong nakitang problema sa reimplementation ng Tokhang. Everything is going smoothly sa ground.” Ito ang saad ni PNP Chief Dela Rosa sa naging unang araw ng Oplan Tokhang.  

Ngunit, tila wala ng tamang ginawa ang ating kapulisan sa mata ng Simbahan. Matatandaang maging ng mga nakaraang taon ay naging masigasig rin ang Simbahan sa pagkontra sa mga ginagawa ng ating mga kapulisan. Na maging ang pagkampi sa mga halatang mga drug addict na kung hindi man nagnakaw ang iba ay nanggahasa at pumatay pa ng inosenteng mamamayan.

Paglilinaw pa ng PNP Chief ay natural lamang na ipagtanggol nila ang kanilang sarili oras na manlaban ang sinumang drug personality. 

“Alangan namang pabayaan namin ang mga sarili naming mamatay kung armado at makipagbarilan ang drug personalities?” 

Para naman sa bagong  Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP president Romulo Valles ay sana ipinagdadasal nila na gawin ng kapulisan ang kanilang gawain.

“We pray that the police follow the prescribed steps in implementing the law… steps that should be done in exercising their responsibility as policemen. Let us inspire them to follow the necessary steps when they need to apprehend and as much as possible, we make sure that we do not waste any lives.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here