Hindi Uso Lip Sync Sa BTS

0
117

Maraming tao ang nag-aakala na nagli-lip sync o hindi kumakanta ng live ang sikat na sikat na boy group na galing Korea. Well, mali kayo d’yan. Magagaling na performers lang talaga ang BTS. Kaya nila sumayaw to the max habang kumakanta at nagra-rap ng walang kahirap-hirap.

Kitang-kita naman sa performance nila sa “Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve”. Na-perform nila ang “DNA” at “MIC Drop” para sa mga fans nila sa America. Sobrang hype at tuwang-tuwa ang mga fans nila habang nagpe-perform ang boy group na BTS.

Kitang-kita na live na live ang kanilang performance dahil dinig ang mga hinga nila at hindi gayang-gaya sa audio ang kanilang pagkanta. Dahil dito, lalong dumarami ang mga fans ng BTS o ang mga Armies. Noon pa lang nagpunta sila sa American Music Awards o AMA at marami na ang kumuwestyon sa BTS. Maraming tao ang nagtataka kung live ba talaga ito o hindi ang performance nila.

Kahit mismo si Ms. Lea Salonga ay namangha sa performance ng K-Pop boy group na BTS!

Sino nga ba ang hindi mamamangha sa BTS sa kanilang pagpe-perform?Sobrang hyper nila at galing sumayaw at kanta. Ine-engage pa nila ang mga manonood habang nagpe-perform.

Tiyak ako na lalong sisikat at mas darami pa ang mga fans ng BTS ngayon taon dahil sinimulan nila ito sa napakagandang paraan. Lalong-lalo na para kay Hoseok o mas kilala sa stage name niya na si J Hope.

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here