Hindi pinagkakatiwalaan ng amo kaya kinukulong lang sa condo

0
30

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

WALANG off — ito ang pinakamahirap na kondisyon ng mga employer sa kanyang mga empleyado. Ibig kasing sabihin nu’n ay wala na silang buhay sa labas ng kanilang pinagtatrabahuhan. Gayunpaman, wala namang magagawa si Janice kundi tanggapin ang kanyang kapalaran. Siyempre, gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Siya ay mabuting anak kaya naman ibig niyang matulungan ang kanyang mga magulang na mabuhay ang anim pa niyang mga kapatid. Palibhasa siya ang panganay kaya sa palagay niya ay nasa kanya ang responsibilidad. Nagtrabaho siyang maid sa America.

Hay, mga katsismosa, talagang mahirap ang maging mahirap. Wala kang pagpipilian kundi ang sumabay sa agos ng buhay. Kaya kahit na hirap na hirap si Janice sa kanyang pagtatrabaho, nagtiis pa rin siya. Idinalangin na lang niya na sana dumating ang araw ay magkaroon din siya ng maayos na pamumuhay.

Kaya kahit mahirap nagtiis na lang muna siya sa kanyang siya sa kanyang trabaho. Palagi naman kasing wala ang kanyang ama. ‘Yon nga lang kahit naman wala ang mga ito ay para pa rin siyang preso na nakakakulong sa condo unit ng amo nito. Paano ba naman kasi, inila-lock nito ang pinto kapag umaalis ng bahay.

Ibig sabihin, hindi siya pinagkakatiwalaan nito. Marahil, iniisip ng amo ni Janice na kapag nagkaroon siya ng kalayaan ay tatakas siya o pagnanakawan siya nito. Ngunit, lahat ng paghihirap ay mayroong katapusan dahil ng mag-end ang kontrata niya sa kanyang amo ay umalis na siya rito. Kahit naman mahigpit ito ay ‘pinawalan’ pa rin siya nito sa takdang araw. Maaaring nakita naman nito na mabuti siyang tao.

Ngunit, kahit na gusto pa siya nitong pagtrabahuhin, tumanggi na siya. Hindi niya kasing gustong magtrabaho sa taong hindi naman marunong magtiwala sa kanya. Gayunman, ipinakita pa rin niya rito na mabuti siyang tao kaya magalang siyang tumanggi rito at tinanggap naman nito ang kanyang desisyon.

Naniniwala kasi si Janice na sapat na ang experience niya roon para makakuha ulit ng magandang trabaho. Kahit naman kasi kailangan daw niya ng pera, ibig pa rin niyang nakakahinga siya ng maluwag at mangyayari lang iyon kapag nagagawa siyang pagkatiwalaan ng kanyang amo.

Ngunit, hindi na siya nakapagtrabaho pa uli abroad dahil hindi pa man siya nakakabalik ng Pilipinas ay may nakilala na siyang Americano na nagngangalang Smith. Kasama niya ito noon sa eroplano, katabi pa. Sa pagkukuwentuhan nila ay nagkahulihan sila ng loob. Niligawan siya nito ng nasa Pilipinas na siya at makaraan ng ilang buwan ay nagpakasal na sila.

 

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here