Hindi Nilulubayan Ng Paruparo Sa Panaginip

Sa pamahiin, ang paruparo ay palagi nating nauugnay sa kaluluwa ng isang yumao na mahal natin sa buhay. Kapag nakakita tayo nito ay ipinapalagay nating narito ang kanilang kaluluwa upang tayo ay bisitahin kaya kahit papa’no ay napapanatag ang ating kalooban. Gayundin kapag dinalaw tayo ng paruparo sa ating panaginip. Iniisip natin na ito ay isa ring paraan ng pagbisita sa atin ng yumao nating mahal sa buhay. Pero kung ang paruparo ay sinusundan tayo sa ating pagalakad o saan man tayo magpunta sa loob ng ating panaginip, ano kaya ang nais nitong ipahiwatig?

Halimbawa ikaw ay nanaginip na naglalakad ka sa isang kalye at napansin mo na may paruparong lumilipad sa paligid mo tapos ay tila sumusunod sa’yo kahit saan ka man magpunta, ito ay may mensaheng bitbit para sa’yo. Pansinin mo ang kanyang paglipad.

Paikot-ikot – Kung ang kanyang paglipad ay paikot-ikot sa’yo, ito ay nangangahulugan na binibigyan ka niya ng babala. Babala sa iyong gagawing pagdedesisyon. Maaaring ikaw ay may planong gagawin sa iyong buhay na pwedeng magdulot sa’yo ng kapahamakan kaya naman ang paruparo ay binibigyan ka ng mensahe na baguhin mo ang iyong gagawing pagpapasya.

Inuunahan ka sa paglalakad- Kung napansin mo naman na ang paruparo ay inuunahan ka sa iyong paglalakad at lumilipad sa direksyong tinatahak mo, ibig sabihin ay hinihikayat ka nitong ipagpatuloy ang iyong ginagawa. Na sa kabila ng mga balakid at hadlang sa iyong daanan ay dapat kang magpatuloy. Hindi dapat makasama sa option mo ang pagsuko. Ang paruparo sa iyong unahan ang nagsasabi na patungo ka sa tagumpay kaya’t huwag kang hihinto.

Paruparo na nasa iyong likuran- Kung sa iyong paglalakad naman ay napansin mo ang paruparo na lumilipad sa iyong likuran, ito ay nangangahulugan na meron kang kailangang i-settle sa iyong nakaraan. Isang mahalagang bagay na kailangan mo munang ayusin bago mo harapin ang iyong hinaharap. Ito ay nagsisilbi na ring balala na kung hindi mo bibigyang pansin ay maaaring hindi mo magawa ng maayos ang dapat mong gawin sa kasalukuyan.

SHARE
Previous articleMGA PARAAN UPANG MA-INVOKE ANG PRESENSIYA NG MGA ANGHEL SA INYONG TAHANAN
Next articleMga Dapat Ipagmalaki Ng Isang Babae

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here