HINDI NA GINAGALAW NI MISTER DAHIL MAYROON NG GIRLFRIEND

1070
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Nahuli ko ang mister ko na mayroong girlfriend at alam kong may nangyayari sa kanila. Nakakahiya mang aminin pero hindi na ako ginagalaw ng asawa ko. Para tuloy gusto kong magwala. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero gusto ko nang sugurin ang girl sa kanyang pinagtatrabahuhan. Payuhan mo ako ng dapat kong gawin. — Amie

 

Amie,

Sa tingin mo ba, kapag ganyan ang ginawa mo ay maaawat mo na ang mister mo sa kanyang pambababae? Sorry to say pero, ‘hindi’ ang sagot. Maigi rin na bago ka lumabas sa tahanan ninyo para mang-away, giyerahin mo muna ang mister mo. After all, siya ang higit na nagkasala sa’yo. Siya ang sumumpa sayo na magiging tapat siya sa’yo habambuhay. Saka, kahit anong paglandi ang gawin sa kanya ng babae, kung iniisip niya ang pagsasama ninyo, hindi siya magpapaapekto.

So, hindi ko ipinapayo sa’yo na sugurin mo ang babae niya. After all, ikaw din ang magiging kahiya-hiya. Paano ko nasabi, siyempre, ipapangalandakan mo pa sa buong mundo na may babae ang iyong mister. Higit na maaapektuhan ang anak o mga anak ninyo niyan. Kung wala naman kayong anak, baka kapag inaway mo ang ‘kabit’ niya, magkaanak siya roon.

Bago ka sumugod sa giyera, kailangan siguraduhin mo munang hindi ka matatalo. Ang gusto kong sabihin sa’yo, kumprontahin mo muna ang mister mo. Tantiyahin mo kung ano ang reaksyon niya na alam na niya ang tungkol sa pambababae mo. Sa pamamagitan kasi noon ay magkakaroon ka na ng ideya kung ano ba ang dapat mong gawin.

Natawa lang ba siya sa ideyang alam mong mayroon siyang babae? Aba, kung pinagtatawanan ka lang niya habang nanggagalaiti siya, nangangahulugan na wala siyang pakialam sa nararamdaman mo. Ang sakit kasing pinagdaraanan mo ay hindi dpat pagtawanan. Mas maganda pang maging reaksyon niya kung yayakapin ka niya, magso-sorry siya at mangangakong hindi na niya uulitin ang kanyang ginagaw. Yes, maigi png aminin ng lalaki ang kanyang pambabae kaysa patuloy iyong itanggi gayung ginawa naman talaga niya.

Ngayon kung ang magiging reaksyon naman ng magaling mong asawa ay iyong magagalit pa. Aba, aba, hindi tama iyon. Ibig sabihin noon, seryoso ang nararamdaman niya sa babae at kaya niyang ipaglaban maski sa’yo. Baka nga handa pa siyang hiwalayan ka dahil sa babaeng iyon.

O, ano ba ang plano mong gawin?

Bilang asawa, kailangan mo talagang ipaglaban ang pagsasama ninyong mag-asawa. Sabi n’yo nga, magsasama kayo sa hirap at ginahawa. Iyon nga lang kung siya ay nagpapakaginhawa habang ikaw ay naghihirap, mag-isip-isip ka na. Baka kasi ‘yan na ang simula ng pagiging miserable mo. Aba, kahit mahal mo siya, kailangan naman ay irespeto mo ang iyong sarili. Hindi mo magagawa ito kung hahayaan mo lang na mayroon siyang babae kahit na nagsasama kayo.

Kung malakas ang loob mo, pamiliin mo ang iyong asawa, ikaw o ang babae niya. Maaari ngang masaktan ka sa kanyang isasagot pero mas maigi na iyong tigilan na ninyo ang pagsasama ninyo kung niloloko ka lang niya. Saka, hindi ka irerespeto ng mister mo kung malalaman niyang okay lang sa’yo na dalawa kayo sa kanyang buhay. Kaya nga lang, sabi mo ay hindi ka na niya ginagalaw. Ibig lang sabihin noon, mas gusto niya ang kanyang kabit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here