Hindi mo matuturuang magbasa ang isang bata at mas makakabuti ba ang pagpapanuod ng video dito?

Sa palagay niyo ba kayong mga magulang nahihirapan ba kayong magturo sa inyong mga anak kung paano magbasa

Siguro nga ay  mas madali ng matuto ang mga kabataan ngayon, dahil sa makabagong teknolohiya. May nagbebenta pa ng mga dvds o libro para sa mga bata. Mas madali ngang matuto ang mga bata ngayon dahil kapag palagi silang nanunuod ng videos nare-record yon sa kanilang utak. Ginagaya at sinusunod nila kung ano iyong mga salita na naririnig nila sa videong pinapanuod nila. Kung gusto nating matuto ang ating mga anak na magsalita ng english papanuorin lang natin ng videos araw-araw at matututo na sila. Iyon ang best way upang mabilis na matuto ang isang bata. Tama pa ang pronounciation na matutunan nila, parang nag self study na din ang mga bata at the same time ay nag e-enjoy sila sa pinapanuod nila.

Kung tayo ang tatanungin ibang-iba sa paaralan at ang panunuod ng videos. Sa paaralan ay maraming estudyanteng tinuturuan ng isang guro lang sa loob ng ilang oras, at iilang words lang ang naririnig ng mga estudyante mula sa isang guro. Subalit ang pag aaral ay required para sa ating lahat, dapat mag-aral pa din tayo upang maging professional balang araw. Pwede tayong manuod ng videos pagdating na sa bahay.

Upang hindi magiging adik sa panunuod ng videos ang mga bata, dapat limitahan natig mga magulang ang panunuod nila ng videos,dvds, o telebesyon. Dahil sila din ang mahihirapan sa paglaki nila, maapektuhan na ang kanilang pag-aaral dahil lage nilang iniisip iyong gusto nilang panuorin na palabas o videos. Dapat hindi pinapadala ng celphones ang mga bata sa paaralan dahil isa ito sa mga dahilan upang hindi na mag-aral ng mabuti ang isang bata. Imbes na mag-aral ay puro na celphone ang inatupag nito kung hindi naglalaro ng games nanunuod ng videos.

Nakakabuti nga ang makabagong teknolohiya ngayon dahil mabilis na natututo ang mga bata, subalit may masamang epekto din ito hindi lang para sa ating nakakatanda kundi pati na rin sa mga kabataan. Kung tayong mga nakakatanda ay nakahiligang maglaro ng games o chatt at hindi na nagagawa ang mga dapat gawin dahil nawiwili na sa ginagawa. Hindi na natin namalayang napabayaan na natin ang ating sarili at ating mga anak.

Ang masamang epekto naman ng makabagong teknolohiya ngayon para sa mga kabataan ay karamihan sa mga ito ay nakahiligan ng maglaro ng computer kahit oras ng kanilang pag-aaral. Dahil sa makabagong teknolohiya natutong naging bastos ang mga kabataan ngayon, dahil sa mga nakikita nilang videos sa internet. May nangri-rape na sa edad na thirteen. Ang mga bata namang nawiwili sa paglalaro ng computer ay natuto ding mag cutting classes dahil nag co-computer. Ang masaklap pa ay inakala ng kanilang mga magulang na pumasok sila aa kanya-kanyang paaralan.

Minsan ang mga kabataan ay nagiging matigas ang ulo dahil sa makabagong teknolohiya ngayon. Natuto ng sumagot, ginagaya nila kung ano iyong napapanuod nila. Kung dati ay mga inosente ang mga kabataan dahil hindi pa masyadog hi-tech, subalit ngayon ang mga maling gawain ay alam na ng mga kabataan ngayon. Kaya dapat tayong mga magulang kontrolin natin ang ating mga anak habang sila ay mali-liit pa. Limitahan sa lahat ng bagay. Siguro minsan ay magtatampo sila subalit mauunawaan din nila ito balang araw, at makikita nilang tama tayong mga magulang sa ginagawa natin para sa kanila. Dapat ipakita sa kanilang walang magulang na magpapabaya sa kanilang mga anak.

Kung halimbawa lumalaki na ang ating mga anak at nagtatampo na at sumasagot kung bakit sila limitado sa lahat ng bagĂ y, at dapat ipakita natin sa kanila na para din ito sa kanilang kabutihan. Gawan ng halimbawa katulad ng ibang mga kabataang napariwara at narape at namatay dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Marami ng narape at napatay na mga teenagers dahil matitigas ang ulo kahit sinabihan ng mga magulang na huwag umalis ng bahay dahil gabi na, subalit nagpupumilit pa ding umalis. Sa bandang huli ang mga magulang pa din ang sinisisi ng mga tao kung bakit pinagalitan ang kanilang anak. Ito ang dapat makikita ng ating mga anak na ginagawa natin ito para sa kanilang kabutihan, dahil walang mga magulang na gustong mapariwara ang kanilang mga anak. Kapag nagka ganoon ay dapat pinabayaan na sila noong maliliit pa lang sila, ngunit inaalagan silang mabuti at pinalaki ng maayos. Dapat din nakikita nilang hindi basta basta ang mag-alaga ng maliliit na bata hanggang sa lumaki na sila

SHARE
Previous articleMga Uri Ng Tao Na Dapat Mong Makasama
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 7, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here