Hindi Masama Ang Umiyak

84

Ang lahat ng sama ng loob natin ay nagagawa nating ilabas kapag umiiyak tayo kaya kailangan nating gawin ito kapag tayo ay lubos na nasasaktan. Ngunit, sadyang may mga tao na gustong magpakatatag talaga kaya pinipiling huwag magpakita ng kanyang kahinaan. Kung ganoon ang ginagawa mo’y ang sakit na nararamdaman mo ay lalo mo lang dinadagdagan.

Kung nagagalit ka sa isang tao dahil minsan ay nagawa ka niyang saktan, hindi ‘yan mawawala kahit ilang taon na ang lumipas. Paano mo kasi magagawa iyon kung palaging nakatatak sa isipan mo kung ano ang mga pangit na nangyari? Pagkatapos, kapag nanghingi siya ng tawad sa’yo ay hindi mo siya magagawang patawarin. Sa halip ay mag-iisip ka pa ng paraan kung paano siya mapaghihigantihan.

Ganito ba talaga ang buhay na gusto mo? Tanungin mo ang iyong sarili. Hindi naman masama ang magalit pero kailangan naman ay may hangganan at ang galit na nararamdaman mo ay maglalaho kapag nagawa mo na iyang iiyak. Hindi naman mahirap gawin iyon kahit na ano a ang iyong kasarian.

Lalaki ka man o babae, talagang nakagagaan ng pakiramdam kapag nagawa mong umiyak. Sa gabi ang pinakamagandang oras ng pag-iyak dahil kinabukasan ay siguradong gagaan na ang iyong pakiramdam. Mararamdaman mo ring maging masaya kahit na makaharap mo pa ang taong nagdulot ng pag-iyak mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here