HINDI MAKA-MOVE ON? SUBUKAN ANG BUBBLE MEDITATION

0
1173

Ilan sa atin ang hirap maka-moveon sa mapait na kahapon. Karamihan ay mas pinipiling mabuhay sa nakaraan at sariwain ang nagdaang kapaitan. Hindi nila batid na malaking porsiyento ng kanilang kasalakuyan at kaligayahan ang nasasayang dahil sa attitude na ito.

          Tunay na mahirap mag-moveon, lalo na kung ang pait na dulot ng nakaraan ay siyang sumira sa iyong positibong paniniwala, saloobin, at mga pangarap.

          Ngunit, sabi nga, walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang iyong sarili. Hindi mo naman kailangang mabuhay sa nakaraan. Simulan mo nang mag-moveon. At sa tulong ng Bubble Meditation, magagwa mo ito!

          Simple lamang ang meditation na ito, ngunit magagarantisado kong napaka-epektibo.

Ang Prinsipyo ng Bubble Meditation

          Humanap lamang ng tahimik na lugar na walang makagagambala sa iyo. Umupo, humiga, o puwesto ka sa kahit anong paraan na komportable sa iyo. Damhin ang kapayapaan ng iyong kapaligiran.

          Pumikit  at pagtuunan ang iyong paghinga. Damhin ang pagpasok ng oxygen sa iyong baga. Huminga ng malalim. Paulit-ulit, hanggang sa kumalma ka.

          Sa sandaling panatag na ang iyong kalooban, i-visualize ang isang malaking bula (kahit anong kulay nito ay depende sa iyo). Ilagay lahat sa loob ng nasabing bula ang lahat ng iyong negatibong alaala, mga disappointments, at iba pang hangup at frustration. Sa sandaling  mailagay na sa loob ng bula ang lahat ng negatibong damdaming kinikimkim mo sa iyong saloobin, sabihin ng malakas: “Ngayon ay handa na akong alisin ang lahat ng masamang alaala sa aking isipan. Handa na akong harapin ang bukas! Malaya na ako!”

          Pagkatapos, i-visualize ang nasabing bula na lumilipad palayo sa iyo…. malayong-malayo… hanggang sa ito ay sumabog o pumutok.

          Simple lamang, ngunit tunay na epektibo ang Bubble Meditation. Araw-arawin ito at mararamdaman ang resulta.

          Ang Bubble Meditation ay nakapaloob sa konsepto ng tamang affirmation.

          Para sa iba pang kaalamang paranormal at espirituwal, patuloy lamang pong sumabaybay sa aking mga articles dito sa PhilippineOne. Inaanyayahan ko rin po kayong i-like at i-follow ang ating Facebook Page na Pinoy Majica.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here