Hindi ko kayang iwanan ka Review: Thea, buking na ng biyenan

0
444
Hindi ko kayang iwanan ka Review: Thea, buking na ng biyenan

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa Hindi ko kayang iwan ka isa sa dramarama sa hapon ng GMA 7. Hindi kinaya ng powers ni Donya Adelaida “Adelle” Angeles (Gina Alajar) ang sikretong natuklasan tungkol sa manugang niyang si Althea “Thea” Balagtas Angeles (Yasmien Kurdi). Sa pamimilit ni Donya Adelle, ay nakumbinsi rin niya ang kaibigang doctor na sabihin sa kanya kung para saan ang gamot na nakuha niya mula sa pagsisikreto ni Thea. Kumpirmado, para nga ito sa nakakahawang sakit na HIV (Human Immunodeficiency Virus). Kaya ganoon na lang ang pagsiklab niya na daig pa ang sumabog na bulkan sa sobrang galit. Nakakatawa na nakakainis ang nilalaman ng dasal ni Donya Adelle, oo nga’t humingi ito ng tawad sa Diyos at ipinakiusap ang kaligtasan ng anak na si Marco (Mike tan)  at mga apo, pero kasabay naman noon ang panalangin na si Thea na lang ang magkasakit at mamatay. Kalokah! Hindi naman makapaniwala si Sofia (Ina Feleo) sa sinabi ng ina. Pero nang malaman niya na mismong doktor na ang nagkumpirma nito ay labis ang naging pag-aalala niya.

Alalang-alala din ang mag-asawang Thea at Marco sa resulta ng pagpapatest sa mga anak. Ilang oras silang nagtiyaga sa paghihintay ng resulta at nananalangin din si Thea para sa kaligtasan ng kanilang kambal. Ganoon na lang ang pasasalamat nila sa Diyos nang magnegatibo ang resulta ng test sa mga bata. Kahit higher ang risk, ipinaliwanag ng doktor kung paano nangyari na nakaligtas ang mga ito. Malaki raw ang naitulong ng iniinom na gamot ni Thea noong ipinagbubuntis pa lang niya ang kambal.

Subalit ang saya nila ay naging panandalian lang dahil pag-uwi nila ng bahay ay naghihintay na ang galit na galit na biyenan ni Thea at hindi pa man nakakapasok sa loob ay kinompronta na siya nito tungkol sa kanyang sakit.

Sa katotohanan ng buhay, bagamat nagagamot na ang HIV ay itinuturing pa rin itong isa sa pinakamalalang sakit at napakarami pa rin ang namamatay dahil dito. Ang HIV ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik , pagsasalin ng dugo, at sa marami pang paraan. Nakakalungkot isipin na sa Pilipinas ay paparami nang paparami ang nagkakaroon nito kaya naman marapat lamang na dagdagan pa ang kaalaman ng mga tao ukol sa sakit na ito nang sa gayon ay maiwasan at hindi ipagsawalang bahala.

Abangan natin bukas sa “Hindi ko kayang iwan ka” kung hanggang saan pa ang kakayanin ni Thea sa pagmamalupit ng biyenan at kung kakayanin ba ni Marco na harapin si Lawrence (Martin del Rosario) para singilin sa ginawa nito sa asawa niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here