Hinaing Ng Mga Ligaw Na Kaluluwa, Idinadaan sa Panaginip

Kung minsan, may mga panaginip tayong hindi natin maintindihan. May nakakasalamuha tayo rito na hindi naman natin kilala. Dumadaing, umiiyak ,may itinuturo at tila may nais sabihin. Pero kadalasan ay binabalewala natin ito dahil wala naman itong kaugnayan sa atin. Pero ang hindi natin alam, ito ay isa sa mga paraan ng mga ligaw na kaluluwa para makipag-ugnayan. Meron silang gustong sabihin na hindi nila magawang iparamdam habang tayo ay gising. Kaya kung ikaw ay makakapanaginip ng ibang tao o isang tao na hindi pamilyar sa’yo, matutong makiramdam. Obserbahan mo ang kanyang galaw at pagkilos. Pakinggan mo rin kung meron siyang sasabihin. Dahil maaaring ito ang kanyang mga hinaing. Hangga’t walang tao na nakakaunawa sa kanyang mensahe ay patuloy siyang dadalaw sa mga panaginip ng kahit na sino na nasa paligid lamang ng lugar kung saan namamalagi ang kanyang kaluluwa. Hindi siya magkakaroon ng katahimikan hangga’t walang nakakarinig sa mahihina niyang tinig sa loob ng mga panaginip.

Pero sino nga ba ang mga ligaw na kaluluwang ito? Paano siya nakakapasok sa panaginip ng mga tao na hindi niya kilala at ni hindi nakasalamuha noong sila ay nabubuhay pa? Ito ay nakadepende sa pananalig ng isang tao sa katotohanan tungkol sa mga kaluluwa. Halimbawa, ikaw ay nakatira sa isang bahay na pinamumugaran ng mga ligaw na kaluluwa. Sa oras na makaramdam ka ng kakaiba at ikaw ay naniniwalang may iba pang hindi nakikitang nilalang ang nananahan sa inyong bahay, binibigyan mo ng pagkakataon ang nilalang na ito na kumonekta sa’yo. Hindi mo namamalayan na dahil sa paniniwala mo ay nabibigyan mo siya ng pahintulot na makipag-ugnayan sa’yo. Kung ang third eye mo ay nakabukas, maari mo siyang makita sa mga pagkakataon na malakas ang pwersa ng third eye mo. Pero kung wala ka naman nito ay pipiliin niya na sa pumasok na lang sa iyong panaginip. Pinalalakas ng iyong paniniwala ang kakayahan niyang kumonekta sa iyong panaginip. Pero huwag matakot dahil maaaring humihingi lang siya ng tulong sa iyo. Pwedeng siya ay biktima ng kamatayan na walang hustisya.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 26
Next articleANG MGA MIYEMBRO NG SATAN’S EMPIRE SA MUSIC INDUSTRY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here