HERBS: Luyang Dilaw

Ang luyang dilaw ay nagmumula sa Southern Asia. Tumutubo sa mga lugar na hindi gaanong mainit kaya matatagpuan na rin ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang luyang dilaw o turmeric ay kasama sa pamilya ng mga luya na ginagamit na sangkap sa pagluluto at puwede ring food suplements. Karaniwan na ang luyang dilaw ay nilalaga , pinapatuyo at saka ginagawang pino. Hindi ito maanghang tulad ng inaakala ng iba. Bukod sa nagagamit din itong sangkap sa pagluluto ay may mga benepisyo rin itong hatid . Kaya naman ito ay tinawag na ‘Queen of spices’ Narito ang ilang kapakinabangan na maaari nating makuha sa luyang dilaw.

1.Tumutulong sa pagbabawas natin ng timbang. Karamihan sa atin ay gustong mabawasan ang timbang. Makakatulong ang luyang dilaw kung ihahalo mo ang tamang dosage nito sa iyong pagkain at inumin. Halimbawa ay sa iyong tea, milk, o kahit sa simpleng tubig lang. Pwede rin naman sa mga niluluto mong ulam.

2.Nakakatulong para maiwasan ang kanser. Ang aktibong mga sangkap ng luyang dilaw ay tumutulong sa pagpatay sa mga tumutubong cancer cells na dulot ng pagkahantad natin sa radiation. Nalalabanan ng nito ang mga kanser gaya ng prostate, breast, colon at blood cancer.

3.Panlaban sa pamamaga. Dahil sa kakayahan ng luyang dilaw na sumira sa mga free radicals sa katawan, naililigtas niya ang mga good cells at naiibsan ang sakit na dulot ng arthritis. Inaalis nito ang pamamaga ng mga kasu-kasuan.

4.Panangga sa Diabetes. Dahil naman sa kakayahan ng luyang dilaw na magbalanse ng insulin sa ating katawan ay napoprotektahan niya tayo laban sa sakit na diabetes. Tinutulungan din ng luyang dilaw na mapasigla ang gamot na iniinom mo laban sa diabetes.

5.Nakakapagpagaling ng sugat. Ang luyang dilaw ay tumutulong sa pagsasaayos ng nasirang balat kaya’t kung ikaw ay nahiwa, napaso o nasugatan sa anupamang paraan, budburan mo lang ng pininong luyang dilaw at paghihilumin nito ang iyong sugat sa lalong madaling panahon. (Sana ang sugat din sa puso ng mga tao ay kayang pagalingin agad ng luyang dilaw.)

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here