Herbal; YERBA BUENA

0
114
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Mentha Arvensis, ang Yerba Buena ay isang halaman na may mabangong amoy at malamig sa panlasa. Ito ay kapamilya ng Oregano na nabibilang din sa mint or Lamiaceae family.Halos magkapareho din ang kanilang hitsura na mabilog at kulay berde. Ito ay tumutubo sa matataas na lugar tulad ng Baguio. Tulad ng Oregano, ang Yerba Buena ay nagagamit din bilang herbal. Ang mga sustansya at kemikal na nakukuha sa halamang ito ay may benepisyong handog para sa ating kalusugan. Ang mga sumusunod ay mga karamdaman na maaari nitong malunasan.

1.Mabahong hininga. Ang Yerba Buena tea ay mahusay inumin kung ikaw ay may bad breath. Nagagawa nitong patayin ang ang mga mikrobyong nagiging sanhi ng hindi magandang amoy ng bibig o hininga.

2.Masakit na ngipin.Hindi lamang ito pampawala ng mabahong amoy ng hininga kundi makakatulong din ito kapag sumakit ang iyong ngipin. Bukod sa pag-inom sa pinaglagaan ng dahon nito ay maaari mo ring patakan ng katas ng dahon ang mismong bahagi ng ngipin na sumasakit sa’yo.

3.Kabag. Kung ikaw naman ay kinakabag, ang pinaglagaan ng dahon nito ay maaari mong inumin upang maibsan ang hindi magandang pakiramdam na sanhi ng kabag. Huwag mo nang hintayin na lumamig pa ito ng husto dahil mas mainam kung ito ay iinumin mo ng mainit-init pa upang mas higit na maging epektibo.

4.Impatso. Ang pinaglagaan ng sanga at dahon ng Yerba Buena ay mainam din kung ikaw ay naimpatso. Inumin lamang ito habang ito ay mainit pa na kaya ng iyong lalamunan.

5.Pagsusuka. Kung ikaw naman ay nakakaranas ng pagsusuka, makakatulong sa’yo ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng Yerba buena. Lalo na para sa buntis na siyang madalas makaranas ng hindi magandang kondisyon sa pagsusuka.

6.Masakit na ulo. Kapag sumakit naman ang iyong ulo at nagkataon na wala kang pambiling gamot subalit may Yerba Buena sa inyong bakuran, ang dahon nito ay maaari mong gawin panapal sa iyong ulo at sentido. Kailangan mo lamang itong pakatasin ng konti upang ang katas nito ang siyang magtrabaho para pawiin ang sakit ng iyong ulo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here