Herbal; SANTAN

0
41
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Ixora coccinea, ang santan ay isang halaman na may magandang bulaklak na kumpol kumpol. Kadalasan ang kulay nito ay pula. Mayroon ding kulay dilaw, orange, pink at puti. Ito ay halamang ornamental na karaniwang nakikita sa mga bakuran at gilid ng mga kalsada. Ang Santan ay nagmula sa bansang India at ngayon ay matatagpuan na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang ang Pilipinas. Ang pang-agham na pangalan nito ay nagmula sa isang Diyos sa Indiya. Natatandaan ko nung maliliit pa kami ay madalas naming paglaruan ang Santan at sipsipin ang manipis na hibla na nasa loob ng tangkay ng bulaklak nito. Matamis ang lasa nito kaya naman gustong gusto namin. Bukod sa pagsipsip dito ay ginagawa rin naming pulseras ang Santan.

 Ang sustansya at kemikal na taglay ng Santan ay pinaniniwalaang may benepisyo sa ating kalusugan.

Ang mga sumusunod ay mga karamdaman na maaaring malunasan ng Santan.

1.PAGSINOK. Kapag ikaw ay sinisinok, marami kang sinusubukan para mawala ito, tulad ng  pagpipigil sa iyong paghinga ng ilang segundo, pagpisil sa gitna ng iyong hinlalaki at hintuturo at kung anu-ano pang natutunan mo mula sa matatanda. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng Santan ay isang mabisang paraan din na maaari mong subukan.

2.ECZEMA. Kung ikaw naman ay mayroong eczema, maaari kang magdikdik ng dahon ng santan at ito mismo ang siyang itatapal mo sa bahagi na namamaga o yung may eczema.

3.HINDI MAGANDANG KONDISYON SA PAGDUMI. Ang hindi maayos na kondisyon mo sa pagdumi ay maaari ring malunasan ng Santan. Ang kailangan mo namang ilaga rito ay ang ugat ng Santan. Ito ang iyong iinumin hanggang sa maging maganda ang kondisyon ng iyong pagdumi.

4.ALTAPRESYON. Upang makontrol naman ang presyon ng iyong dugo, ang pinaglagaan ng bulaklak ang dapat mong inumin.

5.PAGKAWALA NG GANA SA PAGKAIN. Isang mabisang lunas upang maibalik ang gana mo sa pagkain ay ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng Santan. Kailangan mo itong inumin at least isang beses sa isang araw.

6.PIGSA. Kung ikaw naman ay may pigsa, maaari mo itong tapalan ng dinikdik na dahon ng Santan para sa mabilis nitong paggaling. f

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here