Herbal; SAMPAGUITA

May scientific name na Jasminum sambac, ang Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. Ito ay sumisimbolo sa payak na kagandahan, mahalimuyak na bango at kadalisayan ng puso ng isang tunay na Pilipino. Ito ay iniaalay sa tao buhay man o patay, gayundin sa mga santo at rebulto ng mga bayani. Karaniwan itong tumutubo sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ang Sampaguita ay hango sa salitang “sampai kita” na ang ibig sabihin sa ingles ay “pangako sa’yo” at “I promise you” sa Ingles. Bukod sa kagandahan at mahalimuyak na bango, ang Sampaguita ay kapaki-pakinabang din para sa ating kalusugan. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya at kemikal tulad ng mga sumusunod.

*tannins

*fats

*silicon

*iron

*glucosides

*calcium oxalate

*essential oil

*dotriacontanoic acid

*dotriacontanol acid

*oleanolic acid

*daucosterol

*hesperidin

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdaman na kayang malunasan ng Sampaguita gamit ang bulaklak at dahon nito.

1.Iritasyon sa mata. Kung ikaw ay magkakaroon ng iritasyon sa iyong mga mata, kumuha ka ng bulaklak ng Sampaguita at patuyuin ito saka ihalo sa tubig na siya mong ipanghihilamos sa iyong mga mata.

2.Pagpapasuso. Mainam naman na gawing pangtapal sa dede ng ina ang dahon ng Sampaguita upang  mas higit pang dumami ang produksyon ng gatas ng ina.

3.Paghihilik. Salamat sa bulaklak na ito dahil maaari mo nang mapigilan ang nakakairita mong paghihilik. Ang expectorant property ng langis nito ang siyang nakakatulong upang mawala ang iyong paghihilik. Simple lang ang gagawin mo, singhutin mo lamang ang amoy nito bago ka matulog at sigurado makakatulog ka na nang mahimbing, payapa at malaya mula sa iyong paghihilik.

4.Lagnat. Kung ikaw naman ay may lagnat, maaari kang gumawa ng tsaa mula sa dahon at bulaklak ng Sampaguita. Mainam itong magpababa ng lagnat.

5.Ubo. Ang tsaa rin na gawa sa bulaklak ng Sampaguita ang siyang makakatulong naman kung ikaw ay nakakaranas ng matinding pag-ubo.

6.Pagtatae. Ang hindi magandang kalagayan sa pagdumi ay kaya ring masolusyunan ng Sampaguita. Ang pinatuyong bulaklak at dahon nito ay ihahalo mo lamang sa iyong inumin.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here