Herbal; Pipino

0
122
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Ang Pipino na may scientific name na Cucumis Sativus Linn ay kabilang sa gumagapang na halaman na tumutubo sa maiinit na lugar gaya ng Pilipinas.  Ang bulaklak nito ay malilit na kulay dilaw. Ang Pipino ay kalimitang pinepreserba. Isinasama sa mga lutuin at masarap ding papakin ang pipino. Hihiwain lamang ng malilit at isasawsaw sa sukang may konting asin at paminta ay ayos na. Ang iba naman ay isinasawsaw lamang ito sa mayonnaise. Bilang halamang gamot,ano naman kaya ang naitutulong nito?

Narito ang ilan sa karaniwang sakit na kayang gamutin ng Pipino.

1.Pagtatae. Kung ikaw ay nagtatae at nasubukan mo na ang ibang gamot subalit hindi ka pa rin gumaling, maaari mong subukan ang pagkain ng hilaw na pipino. Kapag nakakain ka na ay pakiramdaman mo na ang tiyan mo kung makakaramdam ka pa ng pagdudumi.

2.Paso. Kung ikaw naman ay napaso, ang hiniwang pipino ay makakatulong kung itatapal mo ito sa bahagi ng katawan mo na napaso.

3.Taghiyawat. Sinasabing nakakatulong din ang katas ng Pipino sa pag-aalis ng taghiyawat sa iyong mukha, gayundin sa eyebags. Itatapal mo lamang ang hiniwang Pipino sa mismong taghiyawat at sa yong mata kung saan naroon ang eyebags. Gawin ito gabi-gabi upang makita ang magandang resulta.

4.Impatso. Kung ikaw naman ay naimpatso, maaari mong inumin ang katas ng Pipino. Makakatulong ito upang matunaw ang iyong kinain na siyang dahilan ng impatso.

5.Bulate sa tiyan. Ang buto ng Pipino ay kailangang durugin at haluan ng konting asukal at saka inumin. Ito ay makakatulong upang mapurga ang mga bulate sa tiyan.

Kung iyo namang nasubukan ang lahat ng ito at hindi umepekto sa’yo, mas makakabuti kung ikokonsulta mo na sa doctor ang iyong karamdaman dahil maaaring ito ay malala na o hindi hiyang sa iyo ang herbal na ito. Gayunpaman, hindi man ito maging epektibo sa’yo, hindi natin maikakaila ang sustansyang nakukuha natin mula sa Pipino gaya ng ,Calcium, Iron, Vitamin B at C, alkaloids, steroids, saponin, flavonoid, tannin at glycosides.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here