Herbal; PARSLEY

0
36
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Petroselinum crispum, ang Parsley ay ginagamit bilang pampalasa sa ating mga lutuin at ginagamit din bilang dekorasyon para sa ikagaganda ng pagpepresenta ng ating pagkain. Ang mga maliliit na dahon nito ay kalimitan nating naipagkakamali sa Kinchay, pero kung susuriin nating mabuti ay saka natin makikita ang pagkakaiba nila sa amoy, sa lasa at sa mismong hitsura ng dahon. Ang Parsley na may kulay dilaw na bulaklak ay madali lamang tumubo kahit saang panig sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdamang maaaring malunasan ng Parsley.

1.KANSER. Ang panganib sa kanser ay maaaring maibaba sa pamamagitan ng pagkain ng Parsley. Ang mga kanser gaya ng breast cancer, prostate cancer, skin cancer at digestive track ay maaaring maiwasan. Ito ay dahil sa mga tinataglay ng Parsley na mataas na level ng flavonoid na tinatawag na apigenin.

2.REGLA. Ang iregular na pagreregla ay maaari ring masolusyunan ng Parsley. Kung gusto mong maging regular ang iyong buwanang dalaw ay kailangan  mo ring regular na uminom ng pinaglagaan ng dahon nito.

3.UBO. Hindi lang para sa menstruation, ang pinaglagaan ng dahon ng Parsley ay mabisang gamot din para sa ubo. Nagagawa nitong tunawin maging ang makapit na plema.

4.IMMUNE SYSTEM. Nagagawa ng parsley na iimprove ang immune function. Ang essential oil ng Parsley ang siyang sumusugpo at lumalaban sa mga allergies, autoiimune at chronic inflammatory disorders.

5.DALUYAN NG DUGO. Ang Parsley ay isang mainam na source ng isa sa pinakaimportanteng bitamina B, folic acid. Ang folic acid ang siyang tumutulong upang mabawasan ang homocysteine.

6.KUTO at LISA. Ang mga kuto at lisa na hindi nyo matanggal tanggal sa inyong ulo ay magagawang alisin ng Parsley. Kailangan mo lamang ilaga ang mga buto ng Parsley. Ang pinaglagaan nito ang siya mong ihuhugas sa buhok kung saan mahigpit na kumakapit ang mga lisa.

7.KAGAT NG INSEKTO. Ang mga kagat naman ng lamok o anumang pangangati na dulot ng kagat ng iba pang insekto ay maaaring malunasan ng parsley sa pamamagitan ng pagdikdik sa dahon nito at pagtapal sa bahaging apektado. fffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here