HERBAL; Pansit-Pansitan

    Ang Pansit-pansitan ay ginagamit ng mga pinoy bilang herbal, may scientific name na Peperomia Pellucida Linn. Ang sukat nito ay nasa 15 to 45 cm at korteng puso ang mga dahon. Malambot lamang ang dahon nito maging ang tangkay. Makintab ang appearance at maraming maliliit na bilog bilog na buto ang bunga. Ito ay tumutubo sa mga latian at mamasa-masang lugar. Sa mga hindi pa nakakaalam ng benepisyong naibibigay ng Pansit-pansitan bilang herbal, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga kapakinabangan dito.

    1.Anti-Cancer-  Ayon sa isang pag-aaral, ang pansit-pansitan ay may isolated compounds na pumipigil sa paglaki ng several types of cancer cells sa ating katawan.

    2.Antioxidant- Sa isinagawang pag-aaral, ang katas ng pansit-pansitan ay nakatutulong upang maalis ang mga basurang aktibidad sa free radicals. Ang free radicals ay maaaring magdulot ng chain reactions na magreresulta sa pagkasira ng organisms cells. Habang ang antioxidants ay isang compound na pumipigil sa proseso ng oxidation, isang chemical reactions na nagreresulta ng pagkakaroon ng free radicals. Kung gano’n ang pansit-pansitan ay masasabing makapangyarihan bilang antioxidant.

    3.Antibacterial- Nadiskubre rin mula sa isang pag-aaral na ang isang compound ng Pansit-pansitan na tinawag na patuloside A ay nagtataglay ng broad spectrum sa aktibidad ng antibacterial.

    4. Antidepressant- Napatunayan mula sa pag-aaral na isinagawa sa Bangladesh, na ang katas ng pansit-pansitan ay may dose-dependent depressant action na nakakatulong para sa hyperactivity at sa iba pang excessive excitements disorders.

    5.Reduction of Uric Acid- Ang uric acids ay compilation ng mga compounds na binubuo ng carbon, oxygen, nitrogen, at hydrogen. Ilan sa mga sakit na sanhi ng mataas na uric acid ay gout, cardiovascular diseases, type 2 diabetes, at uric acid stone formation. Ang mababang level naman ng uric acid ay nagreresulta ng multiple sclerosis. Kaya naman dapat na ang uric acid ay lagi lamang balanse. Ang Pansita-pansitan ay nakakatulong sa pagbabawas ng uric acid kung kinakailangan. ffffffffffff

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here